Kanina pa pabalik-balik ng lakad si Gabriel sa harap ng emergency room. Hindi pa rin lumalabas ang doctor na tumitingin kay Aia. He was starting to feel agitated. Kanina pa niya tinatawagan ang telepono ng General ngunit walang sumasagot sa kanya. SIguro naman nakarating na ito nang Maynila sa oras na iyon. He didn’t know what to do. Paano kung tanungin siya ng doctor kung kaanu-ano niya ang pasyente, ano ang sasabihin niya? Head ng security detail nito?
Kanina pa sila pinagtitinginan ng mga tao sa hospital dahil nakauniporme ang mga kasama niyang pumunta doon. Kasama na ang back up na tinawag ni Alex. He tried calling the General again, but to no avail.
So he decided to call every camp in Manila nagbabakasakali na baka nanduon ang General. Lumabas sandali si Gabriel para makasagap ng signal. Tumawag siya sa Camp Aguinaldo. Kumpirmadong nanduon nga ang General. Nagpakilala agad siya sa tumanggap nang tawag niya.
“I need to speak to General Sebastian, please,” said Gabriel. “It’s urgent.”
“Sorry, Lieutenant. May meeting ho ang mga matataas na opisyal ngayon,” sagot ng kausap niya sa kabilang linya.
Shit! “It’s imperative that I speak with him now,” he spoke as clearly and authoratively as he could. “It’s an emergency.”
“Pasensiya na, Lieutenant. Hindi talaga pwede.”
Gabriel lost it, “Hindi mo ba ako narinig? It’s emergency. Kailangan kung makausap ang General.”
“Emergency din ngayon ang pinagpupulungan nila, Sir. Ito ay may kinalaman sa pag ambush kay Senator Altamirano, kani-kanina lang.”
“Ambush?”
“Oho, Sir. Manuod po kayo ng balita.”
Umiling si Gabriel. Mas importanteng makausap niya ang General sa anu pa man. “Paki sabi sa kanya na tumawag ako. Salamat.”
Gabriel returned inside immediately. Just then a woman wearing a white gown with a stethoscope around her neck appeared at the door of the ER. Gabriel rushed over her.
“Kumusta ho si Aia doc?” tanong ni Gabriel.
“Kaanu-ano ka ng pasyente?”
“I’m her bodyguard.”
The doctor furrowed. “Nasaan ang pamilya niya?”
Gabriel shook his head. He didn’t have any idea. Tama nga si Alex hindi niya kilala si Aia. Malakas pa ang loob niyang magsabi na siya ang higit na nakakakilala dito ngunit ang totoo wala siyang alam dito bukod sa mga naka sulat sa profile nito. “I’m trying to reach General Sebastian, Aia’s Godfather but unfortunately, hindi ko siya makontak. Nasa isang military meeting siya ngayon sa camp Aguinaldo. Sakin ho niya ibilin si Aia.”
The doctor nodded, “Sana makontak mo siya para maiparating niya sa pamilya ng pasyente ang kalagayan nito. Kailangan nang pasyente ng karamay sa ngayon.”
“Bakit ho Doc, masama ho ba ang lagay niya?
“Well, we got her stabilized and sedated. She should sleep through the night. Physically, she’s going to be okay. Magaling na ang dalawang tama sa dibdib at tyan niya. Pero Kailangan siyang e admit for observation. Baka bukas pwede na siyang ilabas.”
“Tama sa dibdib at tiyan?.”
“Yes, Mr...”
“Castellejos.”
“Mr. Castellejos, Aia was in a state of shock. Siguro may nag trigger sa kanya para bakit nagkaganuon siya kaya nga sinabi ko na kailangan niya nang karamay sa mga oras na’to.” Bumalik ito sa loob at may kinuha. She handed it to him.

BINABASA MO ANG
Genius in Distress
General FictionAtlantis Altamirano was uniquely beautiful, influential, rich and quite powerful. She's an Heiress and a political princess. While on the other hand her other identity as Atlantis Melinkov was exceptionally genius with all the dorky, geeky and nerdy...