Freedom Fighter

2K 62 9
                                    

So, here's another chapter. Sana mag enjoy kayo kahit unedited. 

'Nga pala, na proofread at na edit ko na ang chapters 1 - 23. Mas maganda na siya at mas klaro. hehe. 'Yan sa kung gusto niyong basahin ulit.

Ang remaining chapters, on the process na rin ako sa pag e-edit. Yan lang muna ang natapos ko.

Sana mag enjoy kayo.

Happy reading!

Lea

____________________________________________________________

The C130 cargo plane landed at Bautista Airbase in Palawan around ten in the morning. After they got off the plane, Lt. Castellejos and Aia headed directly to their separate quarters.

“Lt. Castellejos, why don’t we stay in a hotel?” asked Aia to Lt. Castellejos when they were done settling in to their respective rooms.

“Why? Hindi ka ba komportable dito?”

“It’s not that kaya –

Lt. Castellejos cut her, “The PAF Director was notified about our stay here and our activities so stop stressing yourself about it.”

Hindi naman ‘yon ang ibig niyang sabihin. Staying in an airbase was no different from staying in an army camp. It was not that she was complaining. She knew she had no right. Ginagawan na nga siya nang malaking pabor nito but parang wala lang din eh. She was still in a military base. Napapalibutan nang militar. Ang kaibahan lang ay ang airstrip at iba’t ibang aerial military vehicles.

“At saka we’ll be out most of the time,” he added.

Thank God for that. “Great!”

“I already told you about our itinerary, right?”

“Yes, we’ll be out for lunch, sightseeing and some shopping.”

“Right, and tomorrow may pupuntahan tayo, you’ll definitely like it.” Parang sigurado ito na magugustuhan niya ang pupuntahan nila.

“I hope so,” she mumbled.

Ilang oras din sina Lt. Castellejos at Aia sa labas nang Airbase. They tour around Puerto Princessa gamit ang hiram na sasakyan sa Airbase. Lt. Castellejos bought her a pair of new shirts and pants and treat her to lunch as promised.

Puerto Princessa was a very beautiful and natural city. Tahimik, malinis ang hangin, mababait na tao, magandang tanawin. It was a place worth to visit. It was really amazing.

It was almost four in the afternoon. Ayaw pa sanang umuwi ni Aia ngunit nag aaya nang bumalik sa kampo si Lt. Castellejos. Ang pagkaka alam niya maraming ipinagmamalaking natural wonders ang Palawan ngunit it was disappointing na hindi man lang niya napuntahan isa sa mga iyon.

Nasa city proper lang kasi sila, nag ro-roadtrip. Tumitigil kung may interesting na bagay na makita sa daan. Gusto man niyang puntahan ang kasulok-sulokang bahagi nang Palawan ay hindi pwede. Limitado lang ang oras nila doon. Disappointed man mas pinili ni Aia na magpasalamat na lang. Maybe when things back to normal, she could explore Palawan without limits.

Nang makabalik nang Airbase ay hinanap agad ni Lt. Castellejos si Lt. Gabriella Sebastian sa kapwa opisyal nito sa AFP, si Lt. Sarmiento.

“’Bok, wala dito si Sebastian. Nagmamadaling umalis kanina. Lumipad papuntang Manila. Magsa-shopping daw.”

Aia did a double take, “Ano raw? Shopping?”

“Ganuon ba? Sayang matagal na din kaming hindi nagkikita,” wika ni Lt. Castellejos na may panghihinayang sa boses. “Ipapakilala ko sana si Aia sa kanya.”

Genius in DistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon