Missing

1.9K 48 4
                                    

“Singson, may nakita ka ba sa CCTV footages kung anong naging dahilan nang pag kakaganuon ni Miss Trinidad?” tanong agad ni Gabriel dito nang makarating siya sa Apartment niya. Nanduon din si Malvar at naghihintay sa kanya.

“Nireview ko na ho ang tape pero boss parang normal naman ang mga pangyayari sa loob nang eskwelahan.  Napanuod natin ang basketball match ni Miss Aia tapos pumunta siya nang canteen para kumain tapos... tapos nakatingala lang siya sa kung saan. Hindi na abot nang camera ang bahaging iyon nang canteen.”

“Nanuod siya nang TV,” singit ni Malvar. “Nagtanung-tanong ako sa mga estudyanteng nanduon, ang sabi nila napanuod daw nito ang news sa TV tapos nanigas na lang.

Napabaling ang tingin ni Gabriel dito. Parang alam na niya ang sasabihin nito pero nagtanong pa rin siya, “Anong eksato ang napanuod niya, Malvar?”

“Breaking news, boss. Ang unang lumabas na balita kanina patungkol sa pag ambush kay Senador Altamirano.”

Napakunot noo si Gabriel, “Ano naman ang kinalaman ni Miss Trinidad sa nangyari?” Gabriel paused, naalala niya ang sabi nang doctor na baka may nagtrigger dito na pangyayari. Tama. May mga gunshot wounds ito kaya siguro nang makita nito ang news kanina ay bumalik sa alaala nito ang trahedyang dinanas. Na trauma siguro ito sa nangyari.

“Hindi kaya anak siya ni Senador Altamirano, boss?” biglang sabi ni Singson.

Napailing si Gabriel, “Impossible ‘yang sinasabi mo Singson. His daughter was announced dead on arrival. At sabay inilibing ang mag ina niya.”

“Paano kung buhay pala at dito siya sa kampo itinago para mabigyan nang proteksiyon?” tanong ulit ni Singson. “Kung pagko-konektahin ang araw nang pag ambush sa mag ina ng senador at ang pagitan nang pagdating ni Aia sa kampo, malaki ang posibilidad na ito nga ang anak nang senador.”

“Oo nga boss, kaya siguro may security detail siya,” dagdag ni Malvar.

May basehan nga naman ang sinasabi nang dalawa. May posibilidad nga na si Atlantis Altamirano at Aia Trinidad ay iisa. Di ba nga at may similarity din ito sa isa ring Atlantis? Sa isang virtual Atlantis. Damn, kung saan saan napupunta ang isip mo, Castellejos.

Napailing si Gabriel.Malabo ‘yang iniisip niyo. Nakita ko sa personal ang asawa nang Senador pero walang pagkakahawig sa kanilang dalawa ni Aia. Kahit na nga ba may foreign blood din si Aia,” wika niya sa dalawa para hindi na mag isip ang mga ito nang tungkol kay Aia at sa namatay na anak nang Senador. Atlantis Altamirano was being hid from the world even after her death. Kahit ang media ay hindi makakuha nang impormasyon tungkol dito. Ang alam lang nang lahat ay sa ibang bansa ito lumaki at nag aral. Ni walang lumabas na picture nito. Atlantis Altamirano was as mysterious as her name. Like she never existed at all and was only a myth.

 “Boss, may tawag ho kayo,” pukaw sa kanya ni Malvar.

“Tawag?” May naririnig nga siyang tumutunog. Kinapa niya ang bulsa at kinuha ang cellphone. Tiningnan niya ang screen at binasa. Ang General ang tumatawag sa kanya. Agad niyang sinagot iyon. Marami siyang katanungan dito. Lahat tungkol kay Aia.

“General, Sir.”

“Castellejos, bakit ang tagal mong sagutin ang tawag ko? Ano nang nangyayari diyan? Kumusta si Aia?” sunod-sunod na tanong ng General.

“Sir, okay na si Miss Trinidad. Nasa hospital siya ngayon. Ayon sa doctor na tumingin sa kanya bukas daw pwede na siyang lumabas. Inatasan kong si Lt. La Madrid muna ang tumingin at mag asikaso sa kanya. Nagtalaga rin si Lt. Alcatraz nang magbabantay sa labas nang silid ni miss Trinidad at sa labas nang hospital. Para sa seguridad nito.

Genius in DistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon