The next day Aia was heading to the library when she bumped into Samantha. Malakas ang naging impact kaya malapit itong tumilapon. Galit na galit itong dinuro siya.
“You stupid freak!” malakas na sigaw nito. “’Wag ka ngang tatanga-tanga. Pati ako madidisgrasya dahil diyan sa katangahan mo.”
“I’m sorry, okay?” Masyado kasi itong maliit kaya hindi niya napansin. Kidding! Paano hindi ito madidisgrasya eh nakasuot ba naman ito ng four inch stilettos.
“Sorry?” Pulang-pula na ang mukha nito. “Paano kung nabalian ako? Anong magagawa ng sorry mo?”
“You’re still in one piece, Miss.”
“Aba’t... Hindi mo ba ako kilala?”
Whoa, may ganoon talaga? Tinatakot ba siya nito? Seriously? Gusto niyang matawa.
“Sino ba naman ang hindi makakakilala sa inyo Miss Samantha, halos nasa lahat ng sulok ng campus ang mukha mo,” she said sardonically. Kung ang iba kaya nitong takutin gamit ang posisyon nito sa University at ang posisyon ng ama nito sa gobyerno puwes nagkakamali ito. Kung doon lang din naman, mas nakakahigit siya dito. Hands down.
Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “At bakit ka hindi naka uniform? Paano ka nakapasok dito sa campus?” sita nito sa kanya.
Malapit na siyang mainis dito. “Through the gate?” pamimilosopo niya. “Bakit ba trabaho ng mga security guards ay ginagawa mo? Ang sipag mo naman yata.”
Samantha stomped her foot in annoyance. Wala pa kasing sumagot-sagot dito ng ganoon. Aia pulled up her hoodie and was about to go when Samantha stopped her on her track.
“Wait. I’m not done with you yet. Natatandaan na kita. Ikaw iyong ‘epal’ na lumalandi sa mga sundalo noong sabado.”
Napatigil si Aia at nanigas. Parang lahat ng dugo niya ay umakyat sa ulo niya. Pero nagtimpi pa rin siya. Hindi niya ugali ang mang away ng tao. It was just a waste of time and energy.
“Ang kapal naman ng mukha mong lumandi sa kanila. Tingnan mo nga ang hitsura mo. Kahit dito sa University hindi ka nababagay.
Humarap siya dito. “Tapos kana? Bakit ganyan ang reaksyon mo? Baka ang sarili mo ang tinutukoy mo at hindi ako,” kalmadong wika niya.
“Ang tapang mo para magsalita sakin ng ganyan. Ano ba ang ipinagmamalaki mo?”
“Hindi ‘ano’ kundi ‘sino.”
Naningkit ang mga mata nito. “Sino?”
“Si Gabriel.” Siyempre ito ang tagabantay niya. Ito ang tatakbuhan niya anu man ang mangyari.
Nanlaki ang mga mata nito tapos biglang tumawa. “Si Gabriel? Oh, c’mon! Sa hitsura mo bang ganyan papatol iyon sa’yo? Dream on weird girl, I pity you.
“Bakit kanino siya nababagay? Sa’yo?”
Ngumit ito ng matamis sa kanya. May sayad yata ito eh. “Ang masasabi ko lang, kung ano man ‘yang iniilusyon mo, itigil mo na. Lt. Gabriel Castellejos will be my bodyguard. I’ll talk to my dad. And I’m telling you, I always get what I want.”
Napailing na lang si Aia habang tinitingnan ang babaeng paalis. “Good luck.”
BINABASA MO ANG
Genius in Distress
Genel KurguAtlantis Altamirano was uniquely beautiful, influential, rich and quite powerful. She's an Heiress and a political princess. While on the other hand her other identity as Atlantis Melinkov was exceptionally genius with all the dorky, geeky and nerdy...