Changes

1.7K 55 3
                                    

Our Senators are busy debating over Oplan Exudos. Nagtuturuan kung sino ang dapat sisihin. 

Yes, tamang pag usapan at imbistigahan ang naturang isyu but hindi lang naman 'yon ang dapat harapin. Marami pang problemang kinakaharap ang Pilipinas. Just like sa isyu nang agawan nang teritoryo. Baka sa sobrang pag focus nila diyan, nasakop na ang China ang buong Spratly. Haixt, malapit na kasi eleksiyon. Ghaaaaaaad!

#JustSaying

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

They boarded the C130 cargo plane at around eight in the morning with the Air Force officials and personnel from Bautista Airbase. Lt. Col. Aguirre headed the said visit.

The military would conduct ocular inspection and check on the welfare of the troops based in Pag Asa Island. Isa ito sa walong mga isla na sakop nang Pilipinas, ang Kalayaan Group.

Magbibigay na rin ang mga ito nang mga supplies sa mga naka-base doon like food supplies, construction materials and clothing.

Tahimik lang si Aia na nagmamasid sa mga kasama niyang militar sa loob nang C130. Si Gabriel naman ay abala sa pakikipag-usap sa mga tropa nito. She didn’t feel being left out. It was his world after all. Siya ang dapat mag adjust.

Napansin niyang siya lang ang nag iisang babae sa flight na iyon. Napapatingin sa gawi niya ang mga tao doon pero hindi naman nagko-komento.

After an hour of air travel, they landed at PAG ASA Island; the claimed territory of the Philippines; The only civilian inhabited island in Kalayaan.

Aia gathered information while on board regarding the more than a hundred small islands in South China Sea, the Spratly Island.

Ito ang pinag aagawang teritoryo nang maraming bansa hindi lang nang China at nang Pilipinas. Vietnam, Brunie and Taiwan also had their own claimed territories. May mga military base din ang mga ito sa iba’t ibang isla nang Spratly. Ang mas nakakatakot lang ay ang malakas na puwersa nang China dahil talagang nagpapadala ito nang malalaking barko para bantayan ang South China Sea.

Inalalayan siyang makababa ni Gabriel. Hawak-hawak siya nito sa siko. Nang makalabas nang eroplano ay pinayungan siya nito. The perfect escort.

Sinaway niya ito, “Huwag na, Gabriel. Nakakahiya naman.”

“No, diba allergy ka sa sikat nang araw?”

Naalala pa rin pala nito ang allergy niya. Sabagay napaka-rare naman kasi na photosensitive ang isang tao. “Yes, pero...”

“Huwag ka nang umangal,” sabi nito. “Stay close.”

Hinayaan niya na lang itong payongan siya at magbitbit nang bag niya.

Ano bang nangyayari dito? Simula nang ma ospital siya, masyado na itong naging overprotective sa kanya. Lagi siya nitong chine-check. He kept on asking if she was okay, if she was hungry or tired. Kulang na lang buhatin siya nito sa lahat nang oras.

Naglakad na sila palapit sa maliit na military facility sa isla. Isang palapag lamang na istruktura iyon na hindi pa tapos. Ayon sa mga narinig niya, hindi aabot sa limang daan ang mga nakatira doon kasama na ang mga sundalo.

Sumalubong sa pagdating nila ang lahat nang nakatira sa isla, civilians and military personnel. Mainit silang tinanggap sa isla lalung-lalo na siya na isang first timer na nakaapak sa lugar na iyon. May nakahanda nang konting salu-salo para sa kanila sa isang bahagi nang hindi kalakihang facility, the usual military mode of eating, BODOL FIGHT.

Genius in DistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon