Chapter XXIV: Airborne

1.7K 46 0
                                    

“Don’t enter this class and don’t come back until you wear the prescribe uniform!” Aia’s Management professor yelled at her. Hindi pa man siya nakakapasok ay pinagsarhan na siya nito nang pinto. Lulugo-lugo siyang umalis ng classroom nila.

It was her third Monday at Uni. Kailangan na niyang mag suot ng school uniform kaya nga hindi na siya pinapasok sa klase nila. Mabuti na lang at nakalusot siya sa gate kanina kaya nakapasok siya sa campus.

Now, she was at the cafeteria again, contemplating on what to do para makapasok siya sa mga klase niya ng makita niyang papasok si Eva sa cafeteria. Aia called her. Agad namang lumapit ito sa kanya at naupo sa bakanteng upuan sa harap niya.

“Why the sad face?” Eva asked when she settled herself in her chair.

Aia wrinkled her nose, “Hindi kasi ako pinapasok sa first subject ko.” She motioned her civilian clothes. “Baka sa lahat ng klase ko, hindi rin ako papasukin.”

“Tsk. Paano ‘yan? Strict pa naman dito sa University pag dating sa school uniform. Halika!” Eva grabbed her arm to get up from her seat. “Sasamahan kita sa Office of the Student Affairs para mabigyan ka ng passes kahit one week extension lang.”

Aia beamed. “Really? You’ll do that for me?”

“Of course. Magkaibigan tayo diba?”

“Oo naman. Pero pwede ba talaga ‘yon?”

Eva winked at her, “Of course. Maraming connections ‘tong kaibigan mo eh,” sabi nito sabay turo sa sarili.

Aia gave Eva a huge smile. She found another friend in Eva. Sana lagging may kaibigan katulad nito. Ang handang tumulong na walang hinihintay na kapalit.

Eva smiled back at her, a genuine smile. Masaya silang dalawa na nakahanap sila ng bagong kaibigan sa isa’t isa.

Aia found out that Eva was everybody’s friend. Halos kilala ito sa buong campus at halos mabubuti ang komento nang mga kapwa estudyante nila dito pati na ang mga professor. Pero napansin niyang, oo nga at halos kaibigan nito lahat nang nasa university, parang nag iisa lang rin ito.

Aia and Eva were now walking hand in hand toward their Strat. classroom. Kagagaling lang nila sa Office of the Student Affairs at nabigyan nga siya nang temporary passes. Walang kahirap-hirap na napakiusapan nila ang OSA Coordinator. “Thank’s Eva. I really appreciate your help.”

Eva smiled at her. “Don’t mention it.”

May napansin siyang kakaiba dito. Masayahin yata ito ngayon. Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi nito. Sinundot niya ito. “Anong meron?”

Nilingon siya nito. “Huh?”

Aia laughed. “What’s behind your smile?”

Umiling lang ito. “Wala. Masaya lang ako dahil natulungan kita.”

“Ganuon lang ba talaga?” pangungulit niya dito.

Tumawa ito, “Oo naman. Ano ka ba?”

She didn’t believ her. Parang masyado itong masaya. Naupo na sila sa mga upuan nila at naghintay sa pagdating ng kanilang professor. Gumawa si Eva ng paraan para magkatabi sila ng upuan. Parang may naalala ito at bigla siya nitong tinukso.

“Uy, nakita ko nang buhatin ka ni Lt. Castellejos. Ang sweet sweet niyong dalawa. Kung hindi lang doon kayo unang nagkita, iisipin kung matagal na kayong magkakilala at hindi lang siya kundi maging sina Lt. Alcatraz at Lt. La Madrid. Parang sobra ang concern nila sa’yo.”

Aia just smiled to Eva. Hindi pa yata tamang oras para sabihin niya dito ang tungkol sa koneksyon niya sa Philippine Army.

“And speaking of the three, I googled them.”

Genius in DistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon