CHAPTER XLII

1.5K 69 12
                                    


Aia was on her way to General Sebastian's office. Markus told her that he was finally back. Ilang araw din siyang naghintay sa pagdating nito.

Damn, Gabriel. He knew well that she's been dying to talk to the General and yet nang sunduin siya nito kanina sa campus hindi man lang ito nagsabi na dumating na pala ang hinihintay niya.

Nang dumating siya sa harap nang opisina nang General ay agad niyang binuksan ang pinto, "General, Sir..." Nabitin ang sasabihin sana niya nang makitang hindi nag iisa ang General. May mga kasusap itong mga sundalo at parang seryoso ang pinag-uusapan nang mga ito. "Opppps, I'm sorry," wika niya sa mga matang nakatingin sa kanya. Napakamot siya sa ulo, "I was just testing the knob if it's locked or not. It's not so I'll go out and lock it," palusot niya. Lumabas na siya nang opisina at ni-lock nga ang pinto.

Tinampal niya ang noo. "God Aia, kailan mo pa nakalimutang kumatok?Ayan tuloy pahiya ka!"

Napatalon si Aia nang biglang bumukas ang pinto at lumabas ang mga sundalong kausap nang General. Napasaludo siya sa mga ito nang wala sa oras. Natawa naman ang mga ito sa kanya at umalis na.

"GET INSIDE!"

Napahawak sa dibdib si Aia sa lakas nang boses nang General. "Lagot!" Baka nagalit ito sa ginawa niya. Nakayuko siya habang naglalakad papasok sa opisina nito.

"Sit!"

Napakaga't labi siya at tahimik na umupo sa silya sa harap nito.

"Just when did you forgot how to knock, Aia? Hindi ba itinuro 'yon sa Ivy League?" galit na tanong nito.

Darn! He's acting 'Hitler' again. "I told you already I was just testing the knob if it's locked or not. It wasn't locked so I suppose there's nothing important going on here," Aia tried to reason out. Bahala na si Batman.

"Atlantis!"

"I'm sorry po! I shouldn't have said that," dali-daling bawi niya. Mag uusap pa sila. Baka palabasin siya nito sa opisina. "I rushed over here when I learned that you have arrived. I have so much to ask you, General, Sir. You know that."

Lumambot naman ang ekspresiyon nang mukha nito, "I know. But please kumatok ka sa susunod. I am still the General here."

"Opo."

"Good!" General Sebastian said and lean his arms over his table. "I suppose you're here because you want to ask about your dad?"

Tumango siya. Mula kasi nang makabalik siya nang kampo ay hindi niya pa nakakausap ang daddy niya. Naka patay ang cellphone nito. Ang sabi naman nang General dahil daw pinagpapahinga ang daddy niya. "That and..." sadyang ibinitin niya ang sasabihin.

"What?"

Aia looked at him in the eyes, "I want to help," she said with full conviction. Siguro mas mapapadali ang imbestigasyon with the help of science.

"Help? What do you mean?"

"You know very well what I'm talking about, General. I want to help with finding our perpetrator." Alam niyang hindi ito papayag pero she still gave it a try. Wala namang mawawala sa kanya kung susubukan niya.

"This is not just about your family misfortune, hija," he said in a serious tone. "As you can see, this case involved national security. Buong mamamayang Pilipino ang sangkot dito. It is our job to solve this. Alam namin ang gagawin namin."

"But, General, Sir, we are involved also. We are the victims here, remember? I want justice!"

"You're a civilian, Aia. And you are just a kid."

Genius in DistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon