Lakad-takbo ang ginawa nang tropa ni Gabriel nang makapasok sila sa loob nang mall. Walang oras na dapat masayang. Kung kailangang libutin ang buong syudad para mahanap si Aia, they’d do it. And they would do it fast.
“Tumingin-tingin kayo sa dinadaan niyo. Baka makita niyo si Miss Trinidad,” utos ni Gabriel sa mga kasama. Pinagtitinginan sila nang mga tao sa mall. They were now drawing attention na parang may isang shooting nang pelikula. Ang iba naman ay nakuha pang sundan kung saan ang destinasyon nila. Nang pumasok sila sa gaming station na umanoy kinaroroonan ni Aia, natahimik lahat nang naglalaro. Lahat nang mga mata ay nakatuon sa kanila at tumigil sa ginagawa. “Men, search the area.”
Mabilis naman na sumunod ang mga ito at nilibot ang buong lugar. Binigyang daan naman sila nang mga tao sa loob para mas madali ang paghahanap nila. Gabriel walked directly to the two security guards in uniform standing outside of one of the karaoke rooms. Parang may humahatak sa kanya na lumapit doon.
When he was near enough, namukhaan niya ang dalawang guwardiyang nagbabantay. Ang mga ito rin ang pinagbantay niya kay Aia nang pinili nitong maiwan sa loob nang mall noong dumaan sila doon.
“Natatandaan ko kayo, nandiyan ba siya sa loob?” tanong niya sa dalawa na ang tinutukoy ay si Aia.
Tumango ang isa sa mga ito at nagsalita, “Yes, Sir. Nasa loob po siya. Pinagpahinga po namin parang wala siya kasi sa sarili niya kanina.”
“Tinawag ho kami kanina nang manager nito para ho palabasin ang bata dahil napagkamalan ho nilang.. alam niyo na.. natatakot daw ang ibang mga customer,” sagot nang isa. “Pero hindi ho namin sinunod ang utos niya. Nakakaawa ang bata kaya kinausap namin ang manager na dito muna siya. Tsaka natatandaan namin siya. Hindi naman madaling kalimutan ang hitsura niya. Hindi namin siya iniwan dito dahil alam naming hahanapin niyo siya.”
Tumango si Gabriel at nagpasalamat sa malasakit nang dalawa kay Aia. Kung wala ang mga ito baka nag palabuy-laboy na si Aia sa labas at baka kung ano pa ang mangyari dito. Binuksan nang guwardiya ang booth para makapasok siya. “Please tell the troops na natagpuan ko na si siya.”
Dahan-dahang lumakad si Gabriel palapit kay Aia. Nanlumo siya nang makita ito. Nakabaluktot ito sa isang di kalakihang settee sa loob nang karaoke room at mahimbing na natutulog. Bakas pa sa mukha nito ang mga luha. It was so heartbreaking to see her in that state. Kanina pa ba ito umiiyak? Parang nilakumos ang puso niya. Awang awa siya dito. Kung pwede lang sanang magkapalit sila nang posisyon para siya na lang ang mahirapan, ang masaktan at hindi ito.
Lumuhod si Gabriel para magpantay sila ni Aia at mahinang ginising ito, “Miss Aia.” Hinawi niya ang buhok na nakatabon sa mukha nito. “Let’s go home,” mahinang sabi niya.
Aia stirred. She slowly opened her eyes and sat up. Nakatingin lang ito sa kanya. Nang makilala siya nito ay humagulhol ito at parang batang yumakap sa kanya. Hindi matigil ang pag iyak nito. Si Gabriel naman ay hindi alam kung saan at paano mapapatahan si Aia o mapagaan ang pakiramdam nito.
“Hush now. Everything’s going to be alright. Nandito kami para sa’yo.”
Hindi ito nagsalita. Umiiyak pa rin ito at mahigpit na nakayakap sa kanya. Maya maya lang ay bumigat ito sa balikat niya. Tiningnan niya ito. Sa sobrang pag iyak nito ay nakatulog na ito sa balikat niya.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Alex, “Miss Aia.”
Nilingon ito ni Gabriel, “Sshhhh! She fell asleep again.”
Nakakaintinding tumango si Alex. Tahimik na pumasok ito. “Bok, maraming tao sa labas.”
“Kayo na ang bahala sa kanila. Pero bago natin ilabas si Aia dito could you get something para e-cover sa mukha niya. Baka ma headline siya bukas. Tiyak na sasabunin tayo nang General.”
![](https://img.wattpad.com/cover/27468137-288-k257434.jpg)
BINABASA MO ANG
Genius in Distress
Ficción GeneralAtlantis Altamirano was uniquely beautiful, influential, rich and quite powerful. She's an Heiress and a political princess. While on the other hand her other identity as Atlantis Melinkov was exceptionally genius with all the dorky, geeky and nerdy...