THE NEXT DAY......
JUNGKOOK'S POV
Napaigik ako nang malakas akong tumama sa pader ng cr saka ko naramdaman ang paghawak ni Bambam sa kwelyo ng suot kong varsity jacket.
"Sino ka para kunin sa akin lahat ng pinaghirapan ko?! Sino ka?!" Nanggagalaiti pang saad nito.
Mababakas ang sobrang galit sa mukha nito.
Anumang oras ay magsisimula na ang finals. Hindi ko inaasahang susundan niya ako dito sa cr nang magpaalam ako sa buong team na magbabanyo saglit.
Nakangising tinitigan ko siya sa mga mata at pinakita kong hindi ako natatakot sa kanya.
"Sino ako? Ako lang naman ang this year Season's MVP." Maangas kong sagot sa kanya.
"Punyeta ka!"-Bambam
Akmang susuntukin niya ako nang agad ko itong sinangga gamit ang isa kong kamay.
"Pre, di ba uso sayo ang salitang move on? Tanggap tanggap din pag may time. May next year kapa naman para bumawi, eh." Pangungutya ko pa sa kanya.
"Potangina mo, Jungkook! Pagsisisihan mo tong ginawa mo."-Bambam
"Hala, wala naman akong ginagawa ah? Ni hindi ko nga alam na mag eexist ka pala."-Jungkook
Pilit na inagaw nito sa akin ang kamay habang mas lalo ko namang hinigpitan ang pagkakahawak dito.
Marahas na hinawakan ko rin ang kwelyo niya saka ito hinablot papalapit lalo sa akin.
"Hindi ako natatakot sayo, Bambam. Wala akong ginagawang masama sayo in the first place. Ngayun, hindi ko na problema yun. Wag mong ibunton sa iba ang sisi sa problema mo sa iyong sarili."-Jungkook
Kapagkuwan ay malakas mo siyang itinulak papalayo sa akin.
Natumba pa ito sa sahig sa sobrang lakas ng pagkakatulak ko sa kanya.
Galit na tiningnan ako nito sa mga mata habang nakatayo ako sa harap niya habang inaayos ang suot kong varsity jacket.
"Accepting defeat doesn't mean you're weak, Bambam. Accepting defeat also means that you're a man enough to accept things that are already out of your control. Learn to move on and use this downfall to move forward." Seryosong wika ko sa kanya bago ko siya tinalikuran saka tuluyang lumabas ng banyo.
Naikuyom ko ang mga kamao nang makalabas ako.
Hindi ko alam kung ano ang gustong mangyari ni Bambam.
Hindi ko alam kung ano ang pinuputok ng butse niya.
Bakit hindi siya matahimik?
Wala naman kaming ginagawang masama sa kanya.
"Oh, bakit ka nakasimangot? May nangyari ba?" Nag aalalang wika ni Taehyung nang tuluyan akong makabalik sa bench na kinauupuan ng team namin.
Hindi agad ako sumagot bagkus ay humugot ako ng isang malalim na buntong hininga para pakalmahin ang sarili.
"Kookie, okay ka lang?" Ulit pa nito.
"You don't look good. What happened?" Singit rin ni Jin hyung.
"Nothing." Maikli kong sagot nalang sa kanila.
Ayoko nang dagdagan pa ang tension at stress nila. Magsisimula na maya maya ang finals.
"I don't believe you. Anong nangyari?" Diskumpiyadong bulong ni Taehyung at bakas ang labis na pag aalala sa mukha niya.
Pilit akong ngumiti sa kanya saka masuyong ginulo ang buhok niya.
BINABASA MO ANG
STUCK IN A FRIENDZONE
FanfictionI LOVE THE WAY YOUR EYES SMILED AT ME, BUT IT HURTS COZ THIS IS ALL WE CAN BE. I'M JUST A FRIEND AND A NOBODY. CAN'T YOU SEE THAT I'M IN LOVE WITH YOU, KOOKIE? (WRITTEN IN FILIPINO LANGUAGE)