JUNGKOOK'S POV
* My eyes are always on you,
Always following you in everything that you do.
Trying to get rid of this feelings in my heart,
But how, when it's always been you from the very start? *_____________________________
Maingat kong tinupi ang note saka ito isinilid pabalik sa bulsa ko.
Naiiling na napatingin na naman ako kay Taehyung na ngayun ay abala sa pakikipag usap kay Jimin.
Iniiwasan niya ako simula pa kanina nang dahil lang dun sa pagkakahuli ko sa kanyang nagsusulat gamit ang left hand niya.
Nasaktong naalala kong may nadala akong isang note galing sa secret admirer ko daw at naisilid ito sa wallet ko nung isang linggo. Sobrang nagmamadali ako nun dahil medyu late na ako at quarter exams pa namin.
Imbes na ilagay ito sa loob ng locker ko ay naisilid ko ito sa bulsa ko.
Nang makapa ko ito during exams ay saka ko ito niligpit sa wallet ko para hindi mawala.
Hindi ko maintindihan pero duda talaga ako kay Taehyung ngayun.
Alam kong may tinatago siya sakin at alam ko kung ano ito.
Yun ay kung tama ang hinala ko.
"Jungkook, chill lang. Baka matunaw si Taehyung sa kakatitig mo." Narinig kong saad ni Mingyu sa tabi ko.
"Bakit ganun? Bakit pakiramdam ko may tinatago siya sakin?"-Jungkook
"Tama naman kasi yung sinabi nila kanina. Hindi naman kasi dapat lahat alam mo."-Mingyu
"Hindi mo kasi naiintindihan, Mingyu. Mahirap ipaliwanag."-Jungkook
"Hindi ako obligadong intindihin ka o kayo. Pero ikaw, obligado kang intindihan yang tunay na nararamdaman mo. Hindi lang para sa sarili mo kundi para din kay Taehyung."-Mingyu
Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya.
Naguguluhan na rin talaga ako.
Biglang tumayo si Coach sa gitna habang may hawak hawak na papel at mga susi sa kanyang mga kamay.
"Okay, now let's proceed with assigning you with your perspective rooms. Each room may dalawang magkakasama. Ayoko nang may kokontra sa magkaka roommates, okay? Uunahan ko na tong si Jeon dahil alam kong aalma na naman to." Coach said while giving me a very serious look.
Nahihiyang napakamot nalang ako sa batok ko nang magsimula silang maghagikhikan habang nakatingin sa akin.
Tangina, inunahan pa ako.
Alam na alam kung anong mangyayari kapag hindi kami pinagsama ni Taehyung sa iisang kwarto eh.
"Aalma si Jeon? Edi, ibig sabihin hindi niya makakasama si Taehyung niyan?" Tila umaasang sabad ni Younghoon sa usapan.
"Tumahimik ka diyan!"-Jungkook
"Sus, tanggap tanggap din kasi minsan. Hindi sa lahat ng oras ay sayo lang si Taehyung."-Younghoon
"Tumahimik ka ngang, tukmol ka. Hindi ko kailangan ng opinyon mo!"-Jungkook
"Kookie....." Agad akong napalingon kay Taehyung nang marinig ko ang malambing niyang pagtawag sa pangalan ko.
"Yes, baby este Taetae?"-Jungkook
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang agad na pamumula ng pisngi ni Taehyung nang magsimulang magsipulan ang mga kasamahan namin.
BINABASA MO ANG
STUCK IN A FRIENDZONE
FanfictionI LOVE THE WAY YOUR EYES SMILED AT ME, BUT IT HURTS COZ THIS IS ALL WE CAN BE. I'M JUST A FRIEND AND A NOBODY. CAN'T YOU SEE THAT I'M IN LOVE WITH YOU, KOOKIE? (WRITTEN IN FILIPINO LANGUAGE)