THAT VERY SAME NIGHT...
JUNGKOOK'S POV
Tulala at nananatiling nakatitig ako sa kawalan at madilim na kalangitan.
Hindi ko magawang umuwi o bumalik man lang doon.
Sobra ang pagpipigil ko sa sariling maglakad pabalik kay Taehyung.
My heart is really craving for him.
My whole system wants to be near him.
But I can't...
Hinayaan kong bumagsak ang luhang parang hindi na maubos ubos.
Nandito ako ngayun sa naging tambayan namin mula pagkabata.
Isang malawak na burol sa pinakadulo ng subdivision na medyu may kalayuan sa bahay namin.
Dito kami palaging naglalaro noon at tumatambay kapag tinatamad kaming pumasok o umattend ng trainings.
Since, nasa pinakadulo na nga ito ng subdivision ay walang masyadong pumupunta o napapadpad dito.
Hinayaan kong dumaloy ang mga alaala namin ni Taehyung at kung paano ko nahalatang nagkakagusto na ako sa kanya.
Aaminin ko, nung una ay pilit kong nilalabanan ang nararamdaman.
Akala ko rin ng mga panahong yun ay straight si Taehyung pero nung dumating ako sa puntong kahit mapababae o mapalalaki ay nagkakagusto na sa kanya, dun na ako nawindang.
Pero dahil sa takot kong masira kaming dalawa at ang pagkakaibigan namin, niligawan ko si Ji-Eun at umaasang mawawala din tong nararamdaman ko.
Nagkamali ako....
Mas lalo lang akong nahulog sa kanya.
At namalayan ko nalang ay tuluyan na akong nahuhumaling sa kanya.
"Sabi ko na nga ba, dito lang kita mahahanap....."
Agad akong pabalikwas na bumangon nang makitang pahirapang naglalakad si Taehyung papalapit sa akin habang papaalis ang sasakyan ni Jimin.
Umupo ito sa tabi ko saka maayos na ipinwesto ang injured niyang paa.
Inilagay nito ang dalang saklay sa tabi kapagkuwan ay malungkot akong binalingan.
Gusto kong magsalita pero tila umurong ang dila ko.
"I miss you, Kookie....." Biglang saad ni Taehyung.
Hindi nakaligtas sa akin ang lungkot sa boses niya.
"Alam kong mali ang ginawa ko. Alam kong mali ang itulak kita papalayo pero kasi Kookie, natatakot ako."-Taehyung
Hindi pa rin ako nagsalita pero nananatiling nakatitig ako sa kanya.
Alam ko na alam niyang nakikinig ako sa kanya kahit na hindi ako magsalita.
"Lumaki tayong dalawa na palagi ako ang mahina. Palaging ako ang pinoprotektahan mo. Palaging ako ang inaalagaan mo. Simula pagkabata, tila naging isang pabigat na ako sayo."-Taehyung
"Tae, alam mong kailan man ay hindi naging issue sa ating dalawa yan. Masaya ako sa lahat ng ginagawa ko lalo na at alam kong para sayo to." Hindi ko naiwasang tugon sa kanya.
Tama siya pero wala talaga akong nakikitang problema sa sinabi niya.
"I know. But anxiety and depression due my situation is killing me. Ayokong pahirapan ka. Ayoko kasing umabot tayo sa puntong magsawa kana."-Taehyung
"Kaya mo ko pinapalayo?"-Jungkook
"There's a voice inside my head that keeps on telling me that I don't deserve you. That you deserve someone better. That you must look for a girl perfect for you like Ji-Eun."-Taehyung
BINABASA MO ANG
STUCK IN A FRIENDZONE
FanfictionI LOVE THE WAY YOUR EYES SMILED AT ME, BUT IT HURTS COZ THIS IS ALL WE CAN BE. I'M JUST A FRIEND AND A NOBODY. CAN'T YOU SEE THAT I'M IN LOVE WITH YOU, KOOKIE? (WRITTEN IN FILIPINO LANGUAGE)