CHAPTER TEN (GIRLFRIEND WHO?)

1.1K 72 44
                                    

JUNGKOOK'S POV

"J-Just... I.. I d-don't give a fuck, Tae. I... I think I'm also in love with  you." Mahina kong bulong sa kanya na siyang naging dahilan kung bakit nahigit nito ang hininga.

Dahan dahan ko siyang pinakawalan saka siya pinakatitigan sa mga mukha.

Parang nakulong kaming dalawa sa sarili naming mundo at tila tanging kami lang ang naroroon ngayun.

Medyu nakanganga pa ito habang nanlalaki ang mga mata.

Halata ang labis na gulat sa mukha niya dahilan para bahagya akong matawa.

Parang natauhan naman ito bigla nang marinig ang naging pagtawa ko kaya mabilis na sinapok niya ako sa ulo.

"Tangina mo. Anong nakakatawa?!" Reklamo pa nito habang unti unting nang namula ang buo niyang mukha.

"Parang tanga na naman kasi yang mukha mo." Tugon ko pa.

"Ay, gago nga talaga to."-Taehyung

Natawa nalang ulit ako at nang akmang magsasalita na ulit ako nang biglang natigilan ako ng may magsalita.

"Jungkook....." Biglang wika ni Ji-Eun gamit ang isang basag na boses.

Tila napapasong agad na lumayo sa akin si Taehyung saka tinalikuran ako.

Napabuntong-hininga nalang ako saka hinarap ang lahat kasama na dun si Ji-Eun.

"I'm sorry about that everyone and Sir." Wika ko pa saka bahagyang yumuko sa harap ng Music Teacher namin.

"O-Okay. It's okay, though. Now go back to your chairs and we will staart with the discussion together with section Blue."-Music Teacher

Nagmamadaling bumalik sa Taehyung at Jimin sa kani-kanilang upuan habang napapailing nalang ako naglakad pabalik sa sarili kong upuan.

Tinapunan ko ng tingin ang ngayun ay maluha-luha nang si Ji-Eun pero agad ko ding iniwas ang tingin mula sa kanya.

Minahal ba talaga kita?

Kung mahal nga talaga kita, bakit handa ako ngayung bitawan ka para lang kay Taehyung?

Walang pag-aalinlangan gagawin ko yun para lang sa bestfriend ko.

Hindi ko namalayan ang paglipas ng oras. Napaigtad nalang ako nang biglang malakas na mag ring ang school bell namin palatandaang uwian na.

Agad na nag dismiss ang Music Teacher namin at excited na lumabas ang aming mga kaklase.

Tinatamad na tumayo ako saka kinuha ang bagpack ko at naglakad na papunta sa upuan ni Taehyung.

"Tara..." Wika ko nang tuluyang makalapit sa kanya.

"I guess, kailangan niyo munang mag usap ni Ji-Eun na dalawa?" Alanganing tugon ni Taehyung habang tumatayo at inaayos ang kanyang mga gamit.

Natigilan ako nang marinig ang sunud-sunod na paghikbi ni Ji-Eun sa gilid na bahagi ng classroom namin.

Buti nalang at mukhang kaming tatlo nalang ang naiwang natitira sa loob.

"Jungkook....." Humihikbing tawag ni Ji-Eun sa pangalan ko.

Saglit akong napako sa kinatatayuan at aaminin kong hindi ko alam kung ano ang gagawin ng mga oras na ito.

Pero nang makita kong tumayo si Taehyung at akmang lalabas na ng classroom namin, mabilis ko siyang hinawakan sa kamay para pigilan.

"Teka, Taehyung.."-Jungkook

"Jungkook, si Ji-Eun. Kailangan niyong mag-usap na dalawa."-Taehyung

STUCK IN A FRIENDZONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon