CHAPTER THIRTEEN (PRELIMINARIES)

938 58 24
                                    

THE NEXT DAY....

WINTER BEAR UNIVERSITY
                      VS.
BANGTAN SONYEONDAN UNIVERSITY

TAEHYUNG'S POV

Sunud sunod kaming tumango biglang pagsang ayon kay Head Coach na ngayun ay abala sa pagbibigay sa amin ng instruction para sa university na makakalaban namin.

Pangatlong laro na namin to simula kahapon at so far ay wala pa kaming nagiging talo.

Pero, matinding kaba ang nararamdaman namin ngayun.

Dahil mismong ang Winter Bear University ang makakalaban namin ngayung araw.

Ang team na mismong nakalaban namin last year for championship.

Ang team na pinakamagaling at pinakamahirap naming nakaharap.

Ang team din na pinakamaruming maglaro sa lahat.

"Taehyung, utilize Jungkook in the open and fake. Just play your game and do your best, team. Tandaan niyo, hangga't hindi nahuhulog ang bola sa sahig, wala pa sa kanila ang puntos. That's why we need to strengthen our floor defense. I trust Suga and Baekhyun for this one. Win or lose, at the of the day just do your best, okay?!"-Head Coach

"Yes, Coach!"

Bigla na kaming tinawag lahat para sa pagsisimula ng warm-up.

Pagkatapos ng ilang drills ay agad akong dumiretso sa tabi ng net para ipag-set sila.

Ang totoo, kinakabahan ako.

Alam kong kaya naman namin silang talunin, yun ay kung magiging malinis silang maglaro.

Hindi rin biro ang mga injuries na nakukuha ng mga players na nakakalaban nila kaya kinakailangan talaga naming mag doble ingat.

"Kookie!" May kalakasan kong saad saka sinet ang bola para kay Jungkoom na mabilis namang kumuha ng bwelo para tumalon saka malakas na hinampas ang bola papunta sa kabilang bahagi ng court.

Kakayanin namin to. Malaking tulong rin ang presensya ni Jungkook sa team.

Siya ang tinuturing naming ace player.

Pagkatapos ng oras na binigay sa amin para mag warm-up, nagsimula nang mag warm-up ang kabilang team kaya naghintay kami sa gilid at nanuod  muna sa drills na ginagawa nila.

Kusa na naman akong napangiti nang makitang papalapit si Jungkook sa direksyon ko.

Inabot nito sa akin ang isang mineral bottle at towel na agad ko namang kinuha mula sa kanya.

"Nervous?"-Jungkook

"Medyu. Marumi sila maglaro. Di ko alam kung matatapos ba ang game na to na walang ma iinjured kahit isa sa atin."-Taehyung

"Kaya nga. The very reason na dapat kang mag ingat baby. Baka magdilim bigla ang paningin ko kapag nakita kitang nasaktan."-Jungkook

"I'm fine. I can handle it. Pero ikaw ang iniisip ko, Kookie. Siguradong nasa sayo ang mga mata nila."-Taehyung

Nakangiting inakbayan lang ako nito saka ako hinapit papalapit sa kanya.

"Edi, mas mabuti. Para safe ka."-Jungkook

Napailing nalang ako sa kanya bilang sagot.

Wala na yatang mas may shoshowy pa sa lalaking to.

Inilibot ko ang paningin sa malaking volleyball gym ng Winter Bear University

Biglang kaming tinawag ni Head Coach para sa final instruction dahil magsisimula na ang laro.

Seryoso nakinig sa kanya ang buong team, hindi lang ang first six.

STUCK IN A FRIENDZONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon