CHAPTER FOURTEEN (PARADE OF ATHLETES)

845 62 13
                                    

TAEHYUNG'S POV

Nakakabinging tilian ang naririnig namin ngayun habang naglalakad papunta sa gymnasium ng Winter Bear University.

Tilian at sigawan na nagmumula sa mga kababaihang nag aabang sa parade of athletes.

Tradisyon na kasi na bago magsimula ang semi-finals ay magkakaroon ng parade of athletes at mumunting programa para sa lahat.

Doon din ipapakilala sa lahat ang final four teams na maghaharap sa semi-finals.

Lahat ng sumusuporta sa amin ay pwede kaming makita sa malapitan at mahawakan kung pahihintulutan namin.

May mga pagkakataong ding may mga fans kaming nakakayakap sa amin kahit hindi namin pinayagan. Yung tipong, bibiglain nalang nila kami.

Sa totoo lang, ito ang pinaka ayaw kong parte sa lahat ng Volleyball League.

Reason?

Dahil alam kong pagkakaguluhan na naman ng malala nito si Jungkook ng karamihan.

Mamaya after ng parade ay kinakailangan nilang dalawa ni Jin hyung na pumunta sa itaas ng stage bila ng ace player at team captain ng Bangtan Sonyeondan University.

Last year, halos magiba ang buong gym ng University na siyang venue ng Volleyball league dahil sa sobrang pagwawala ng mga kababaihan ng biglang nag dare kay Jungkook ang emcee ng isang sexy dance.

Ang mokong na kuneho, enjoy na enjoy pa na pinagkakaguluhan. Sarap kalmutin ng mukha.

Kaya ngayun, di ko maiwasang mainis wala pa man kami sa gymnasium ng WBU.

Alam kong may pakulo na naman ang event organizers ng volleyball league at sigurado akong pabor na naman ito sa mga kababaihang ito lang naman ang ipinunta dito.

Hay, pagpapantasyahan na naman ng lahat ang unggoy na yun. Ang pinaka ayaw ko na mangyari sa lahat.

Hindi ko naiwasang magpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

"Baby? What's with the heavy sigh?" Nag aalalang tanong ni Jungkook na naglalakad sa tabi ko.

Dahil sa sobrang pag aalala ko ay nawala sa isip ko na magtabi lang pala kaming dalawa.

Pinili ko nalang ang wag na magsalita at baka kung ano pa ang masabi ko sa sobrang inis.

Wala pa naman akong kahit na anong karapatan na maging ganito ka possesive.

Bakit kasi di ko nalang sinagot agad ang isang to?

Isa buntong hininga pa ulit ang pinakawalan ko nang maramdaman ko na ang paghawak ni Jungkook sa isang kamay ko.

"Na babother na ako sayo. Ano bang problema at parang hindi ka maka utot diyan?"-Jungkook

"Wala." Maikli at walang ganang tugon ko sa kanya.

"Hindi ako naniniwala sayo. Kilala na kita. Ano na namang iniisip mo?" Pamimilit pa nito.

"Ay, ang kulit. Sinabi nang wala nga eh."-Taehyung

Sinubukan kong hilahin mula sa pagkakahawak niya ang kamay ko pero mas lalo lang na hinigpitan nito anv pagkakahawak sa akin.

"Baby, nagwoworry ako. Ano bang problema?"-Jungkook

Hindi nalang ulit ako nagsalita dahil mas lalo akong nainis nang makitang malapit na kami sa gymanasium.

Idagdag pa ang nakakairitang hiyawan at tilian ng mga babaeng nakalunok yata ng megaphone.

"Hayaan mo na munang mag inarte yang si Taehyung at nahuhulaan ko na kung ano ang rason kung bakit yan nagkakaganyan." Nakangiting wika ni Jin hyung na naglalakad sa unahan namin.

STUCK IN A FRIENDZONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon