JUNGKOOK'S POV
* My heart is aching and want to reach you,
But I just can't but to feel so blue.
No words can express how much my heart is craving for you,
It is also hard for me, if you just only knew. *----------------------------------------------------------
"Kalokohan." Inis kong nilakumos ang sulat na nakita sa loob ng locker ko.
Itinapon ko ito sa loob ng locker ko saka pabalang itong isinara.
Ang aga-aga nakakainit na ng ulo.
"Hard for me? Leche, di mo nga magawang umamin eh." Inis ko pang bulong habang naglalakd papunta ng classroom namin.
Binigyan kami ng isang linggo para magpahinga sa training at pumasok sa mga klase namin dahil after neto ay isang linggo ulit na training bago ang tournament namin.
Nakabusangot akong pumasok ng loob ng classroom namin at agad na nahagip ng mga mata ko si Taehyung na nakasubsob sa mesa niya at tila natutulog.
Napailing nalang ako nang makita siya ulit pagkatapos ng dalawang araw.
Dalawang araw na ang nakakalipas simula nung nagkasagutan kaming dalawa. Hindi ako lumabas ng bahay pagkatapos nun.
Ilang beses din nitong sinubukan akong katukin sa loob ng kwarto ko para kausapin pero nagmatigas ako.
Napakaduwag kasi ng gago.
Naiinis tuloy ako lalo.
Naglakad ako papunta sa upuan ko nang bigla ko siyang marinig na tila umungol.
Kunot noong binalingan ko siya pero nananatili lang ito sa pagkakasubsob sa mesa niya.
Isinapag-walang bahala ko nalang ito at tinatamad na naupo sa upuan ko, dalawang mesa din ang layo sa kinauupuan niya.
Ibinaling ko ang paningin sa labas ng bintana at inaliw nalang ang sarili sa pagmamasid ng paligid sa labas nang bigla kong marinig si Younghoon na siyang nakaupo sa likod ni Taehyung.
"Tae, masama pa rin ba talaga ang pakiramdam mo? Umuwi ka nalang kaya?" Nag-aalalang saad pa ni Younghoon habang nakatitig pa kay Taehyung.
Narinig ko ang tila nanghihinang ungol ulit ni Taehyung saka ang tila pag-iling nito.
"Okay lang ako. I need to see, Jungkook. Wala pa rin ba siya?" Nanghihinang sagot pa nito.
Punyeta, nagiging abnormal na naman ang puso ko.
"Nandito na siya kararating lang din niya."-Younghoon
Agad na iniangat ni Taehyung ang ulo mula sa pagkakasubsob sa mesa at saka bumaling sa mesa ko.
Nagtama ang mga mata naming dalawa at parang may malamig na kamay na humaplos sa puso ko nang makita ang pawis na pawis at maputla niyang mukha.
Kusa akong tumayo at saka naglakad papunta sa kanya.
Packing tape talaga, bahala na.
Marupok eh.
Naupo ako sa bakanteng mesa sa tabi niya saka siya ko sinalat ang noo niya.
Medyu pinagpapawisan ito pero mainit siya. Tuyo ang mga labi at bakas sa mukha niya ang pamumutla.
"May sakit ka. Bakit kapa pumasok?" I said with a very serious voice.
"Galit ka pa ba? Pinuntahan kita kanina sa inyo, nakaalis kana daw." He replied.
"Hindi na naman yan ang sagot sa tanong ko, Taehyung. Hindi ka naman mababa sa comprehension ah. Nagiging habit mo na yan. Hindi na nakakatuwa."-Jungkook
BINABASA MO ANG
STUCK IN A FRIENDZONE
FanfictionI LOVE THE WAY YOUR EYES SMILED AT ME, BUT IT HURTS COZ THIS IS ALL WE CAN BE. I'M JUST A FRIEND AND A NOBODY. CAN'T YOU SEE THAT I'M IN LOVE WITH YOU, KOOKIE? (WRITTEN IN FILIPINO LANGUAGE)