THREE DAYS LATER....
JUNGKOOK'S POV
Hindi na ako nagtaka nang malungkot na bumalik sa sala si Tita Jessica habang tila alanganin ito sa kung ano sasabihin sa akin.
Ang totoo, inaasahan ko na ito.
Sa loob ng tatlong araw, pagkatapos niyang makalabas sa hospital ay pabalik pabalik na ako dito para kamustahin siya pero ni minsan o kahit anino niya ay hindi ko nakita.
Hindi ako tanga para di mahalatang iniiwasan niya ako.
Is he blaming me for what happened to him?
"I'm sorry, Jungkook. Sinubukan ko siyang kumbinsihin but ayaw niya talagang makita ka." Malungkot na may halong awang saad ni Tita Jessica.
As what I'm expecting.
Pilit kong itinago ang lungkot na nadarama saka ngumiti nang malapad sa kanya.
"It's okay, Tita. I guess, Taehyung needs to rest." Nakakaunawa kong tugon saka tumayo.
Pinagpag ko ang suot na jogging pants kapagkuwan ay lumapit kay Tita saka siya magaang niyakap.
"Are you okay, Kookie?"-Tita Jessica
"Yes, Tita. Naiintindihan ko si Taehyung. Uuwi nalang din po ako para hindi ko na po kayo naiistorbo."-Jungkook
Agad na akong tumalikod saka naglakad papalabas ng pinto nila bago pa man makasagot si Tita Jessica.
Alam ko na rin kasi kung ano ang sasabihin niya.
Nakapamulsa habang nakayuko na naglakad ako pabalik sa bahay namin.
Saglit akong tumigil nang saktong matapat ako sa nakabukas na bintana ng kwarto ni Taehyung.
Malungkot akong tumingala at nagbabaka-sakaling dudungaw siya pero napabuntong hininga nalang ako saka mapait na ngumiti dahil alam kong hinding hindi mangyayari yun.
"Just why baby...." Hindi ko maiwasang maibulong sa hangin saka ipinagpatuloy ang paglalakad pauwi.
Tila wala sa sariling pumasok ako ng bahay at dire-diretso na sana sa kwarto ko nang bigla akong tawagin ni Appa na ngayun ay kampanteng nakaupo sa sofa.
Nakahakbang na ako sa unang baitang ng hagdan bago ko siya nilingon.
"JK, bakit ganyan ang mukha mo? Anong nangyari sayo?"-Appa
"Bakit anong meron sa mukha ko?"-Jungkook
"Mukha nang hindi naka score."-Appa
"Pa, not now. Wala ako sa mood para sa mga corny mong jokes."-Jungkook
Tinawanan lang ako nito saka sunud sunod na tinapik ang espasyo sa tabi niya .
"Come here. Sit beside me and let's talk."-Appa
"Pa...."-Jungkook
"Dali na. Let's talk, son."-Appa
Napipilitan akong tumango saka naglakad papalapit sa kanya. Naupo ako tabi niya kapagkuwan ay nagpakawala ng isang buntong hininga.
"Now, tell me. What's your problem son?"-Appa
"P-Pa, I don't have any...."-Jungkook
"Stop lying. Anak kita at kilala kita. And I'm telling you, I'm here to listen." Agad na putol nito sa mga sasabihin ko pa sana.
I can't help but to let out a heavy sigh again.
"It's about Tae, Pa. After the finals iniiwasan na niya ako. Huli kong nakita siya ay sa loob ng volleyball court pa. And he's in pain during that time. Nung una akala ko gusto niya lang ng oras para mapag-isa. Nagmistula na rin kasi akong buntot niya. I thought I'm starting to get on his nerves and annoying him even though it's not in my intention but Pa, now, I don't know anymore. Di ko alam kung anong iisipin ko. Is he mad? Is he blaming for what happened to him?" Hindi ko na nahalatang tumutulo na pala ang mga luha ko habang nagsasalita.
BINABASA MO ANG
STUCK IN A FRIENDZONE
FanfictionI LOVE THE WAY YOUR EYES SMILED AT ME, BUT IT HURTS COZ THIS IS ALL WE CAN BE. I'M JUST A FRIEND AND A NOBODY. CAN'T YOU SEE THAT I'M IN LOVE WITH YOU, KOOKIE? (WRITTEN IN FILIPINO LANGUAGE)