TAEHYUNG'S POV
"So, how's your song so far?"
Agad akong nag angat ng tingin sa naging katanungan na iyon ng Music Teacher namin.
Napangiti akong tiningala siya saka nag thumbs up.
"Okay na okay po. May ilang melodies and lyrics lang po na kailangang irevise pero tiyak na maiihabol ko to bago ang school's festival." I replied with my boxy smile.
"Great to hear that. I know na magaganda ang kalalabasan ng original composition mo katulad nung una mong sinulat."-Music Teacher
I just nodded as a reply.
Sana nga maging maganda ang kalalabasan nitong kantang sinusulat ko.
Ilang araw ko rin itong pinagpuyatan at masasabi ko talagang pinaghirapan ko to.
Halos araw araw din akong nakatambay sa Music Room para makapag focus dito.
I really want to finish this song for that certain someone.
Kailangan ko tong maihabol bago ang school's festival.
Ilang sandali pa ang pinalipas ko bago ko naisipang iligpit na ang mga gamit para umalis.
Siguradong kanina pa ako hinahanap ni Jungkook.
Bitbit ang mga gamit ay nagmamadaling naglakad ako papunta sa volleyball gym para puntahan si Jungkook at ang buong team.
Pagkatapos ng volleyball practice nila ay saka ako ihahatid ni Jungkook para sa therapy sessions ko.
Medyu malapit na ako sa volleyball gym nang biglang tumunog ang message notification ng cellphone ko.
Mabilis ko itong kinuha sa loob ng bulsa ko saka tiningnan kung kanino ito galing.
* Baby, where are you?" *
Agad akong pinamulahan ng mukha nang mabasa ang message na yun galing kay Jungkook.
Naiiling na ibinalik ko ang cellphone sa bulsa saka ipinagpatuloy ang paglalakad.
Sinasabi na nga ba at hinahanap na ako ng kunehong yun.
Liliko na sana ako sa isang pasilyo para magshortcut nang biglang may malakas na bumangga sa akin.
Kasabay kong bumagsak ang mga dala kong libro at iilang folder sa sahig.
Napangiwi nalang ako nang maramdaman ko ang mumunting kirot sa tuhod ko.
Tangina.
Hindi pa nga ako fully recovered, mukhang magkaka injury na naman ulit ako
"Shit! I'm sorry....." Agad na saad ng lalaking nakabangga sa akin saka pinulot ang mga nagkalat kong gamit sa sahig.
Kapagkuwan ay nagmamadali itong lumapit sa akin at tinulungan akong makatayo.
Nahihiyang inabot nito sa akin ang mga nahulog kong gamit saka alanganing napakamot nalang sa ulo.
"I'm really sorry. Hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko. I'm so sorry." Wika pa nito.
Pinagpag ko ang suot na uniform sana hinimas ang nasaktan kong tuhod.
The slight pain is there but bearable.
"I guess, I'll be fine. Aksidente naman ang nangyari at walang may gusto nun." Nakangiting tugon ko naman sa kanya.
Pero alam kong kailangan kong sabihin ang nangyari mamaya sa physical therapist mo.
I don't want to take any risk when it comes to my injury.
BINABASA MO ANG
STUCK IN A FRIENDZONE
FanfictionI LOVE THE WAY YOUR EYES SMILED AT ME, BUT IT HURTS COZ THIS IS ALL WE CAN BE. I'M JUST A FRIEND AND A NOBODY. CAN'T YOU SEE THAT I'M IN LOVE WITH YOU, KOOKIE? (WRITTEN IN FILIPINO LANGUAGE)