JUNGKOOK'S POV
Inis na isinara ko ang locker nang makitang wala akong natanggap na sulat ngayun araw.
Isa lang ang ibig sabihin nito.
Wala at hindi makakapasok si Taehyung.
Kahapon ko pa siya sinusubukang kausapin pero ni hindi nito sinasagot ang mga tawag at messages ko. Pinuntahan ko na rin siya sa kanila pero palaging parents niya lang ang humaharap sa akin dahil sobrang sama daw ng pakiramdam niya.
Hindi ako tanga.
Alam kong iniiwasan niya ako.
Ilang beses na rin siyang nagkasakit noon pero kapag alam niyang nandyan ako ay ito pa mismo ang nagpapapasok sa akin sa kwarto niya.
Pero ngayun...
Napabuntong-hininga nalang ako.
Dumiretso na ako sa classroom namin at ganun nalang ang panlulumo ko nang tama nga ang hinala ko.
Wala nga si Taehyung.
"Jimin..."-Jungkook
"Oh?"-Jimin
"Hindi ba papasok si Taehyung?"-Jungkook
"Diba kayo ang mag bestfriend at mag kapitbahay? Bakit ako ang tinatanong mo?"-Jimin
Inismiran ko siya at saka naman ito napabuntong-hininga.
"He's really sick, Jeon. Hindi niya kayang pumasok. Idagdag mo pang nabasa pa siya kahapon kahit inaapoy na siya ng lagnat."-Jimin
Naikuyom ko nalang ang kamao ng maalala ang nangyari kahapon.
"Nagkausap kayo?"-Jungkook
"Oo, tinawagan ko siya kanina para kamustahin."-Jimin
"Bakit sinasagot niya ang tawag mo at yung sa akin ay hindi?!" Hindi ko naiwasang reklamo.
"Dahil baka ayaw ka niyang kausap?'-Jimin
"Tsk...."-Jungkook
Nakuha ng dalawang taong dumaan sa tapat ng classroom namin ang atensyon ko.
Hindi ko maintindihan pero agad na nag init ang ulo ko.
Nakakuyom ang mga kamao na naglakad ako papalabas ng classroom para sundan sila.
"Hala, teka Jungkook saan ka pupunta?!" Narinig kong tawag ni Hoseok hyung sa akin pero hindi ko siya pinansin.
Galit kong sinundan ang nagtatawanang sina Kai at Chanyeol.
Nakuha niyo pang tumawang dalawa sa kabila ng ginawa niyo kay Taehyung.
"Babe!" Biglang tawag sa akin ni Ji-Eun mula sa kung saan pero hindi ko man lang siya nilingon.
Kailangan kong maningil.
"Babe, don't tell me...."-Ji-Eun
Hinawakan ako nito sa braso para pigilan pero mabilis na inalis ko lang ito.
"Bumalik ka sa klase mo, Ji-Eun."-Jungkook
"But babe, hindi mo naman na kailangang gawin yan! Okay lang naman ako. Tapos na yun! Niligtas mo naman ako diba. There's no need for you to seek revenge!" Naiiyak na saad nito.
Nakita kong tumatakbo papunta sa direksyon namin sina Jimin, Suga hyung at Hoseok hyung kaya mabilis kong mahinang tinulak si Ji-Eun sa balikat para mabitawan niya ako.
"I'm not doing this for you. I'm doing this for Taehyung."-Jungkook
Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ko at hindi nito nakuhang gumalaw man lang.
BINABASA MO ANG
STUCK IN A FRIENDZONE
أدب الهواةI LOVE THE WAY YOUR EYES SMILED AT ME, BUT IT HURTS COZ THIS IS ALL WE CAN BE. I'M JUST A FRIEND AND A NOBODY. CAN'T YOU SEE THAT I'M IN LOVE WITH YOU, KOOKIE? (WRITTEN IN FILIPINO LANGUAGE)