BLACK SWAN UNIVERSITY
VS.
BANGTAN SONYEONDAN UNIVERSITYTHIRD SET
JUNGKOOK'S POV
SCORE:
BLACK SWAN: 19
BANGTAN SONYEONDAN: 23Hinihingal na nilingon ko si Taehyung habang abala ito sa pakikipag-usap kay Jin hyung.
Dalawang puntos nalang at papasok na kami sa finals. Kami ang naka schedule para sa first game ng semi-finals at mamayang hapon naman naka schedule para sa second game ang Winter Bear University.
Kung sakaling maipapanalo namin ang third set, na sweep namin ang pagkakapanalo laban sa Black Swan University.
Hindi rin naging madali at magagaling silang kalaban. Nasakto lang sigurong pinaghandaan talaga namin ang season na to at pinag-aralan na namin in advance ang mga game play nila.
Bigla kaming nakarinig ng whistle galing sa first referee kaya agad kumuha ng bwelo si Younghoon na siyang tumatayong utility o opposite hitter namin ngayun.
Agad na napunta sa panig ng kalaban ang bola na mabilis ding ni-receive ng libero nila para ihatid papunta sa setter nila.
"Jungkook! Open!" Biglang sigaw ni Taehyung na agad ko namang sinunod.
Mabilis kaming dalawa na pumwesto sa harap ng open spiker nila na ngayun ay kumukuha na ng bwelo para umatake.
"One...two...three!" May kalakasang bilang ni Taehyung para sa pagbibigay ng signal sa gagawin naming block.
Sabay kaming tumalon pagkatapos niyang magbilang at saktong tumama at tumalbog ang bola sa kamay naming dalawa dahilan para ma solid block ang naging pag atake ng Black Swan University.
"Yeeeaaaahhhh!" Malakas na sigawan ng mga teammates namin nang tumalbog ang bola pabalik sa court nila at hindi na ito nailigtas pa ng libero nila.
Nakangiting binalingan ako ni Taehyung saka tinaasan ng isang kilay.
Kusang umangat ang isang kamay nito para makipag high-five sa akin na agad ko namang tinanggap.
1 point nalang.
Isang puntos pa.
Papasok na ulit kami sa finals.
"Focus, team. Let's finish this game once and for all." Biglang pahayag ni Jin hyung dahilan para mapatango kaming lahat.
Aaminin kong loko loko kaming lahat pero pagdating sa loob ng volleyball court ay masasabing binibigay talaga namin ang lahat-lahat.
Bumalik na ulit si Younghoon sa service area para mag serve nang mahagip ng mga mata ko ang buong volleyball team ng Winter Bear University.
Lalo na ang nakakairitang mukha ni Bambam na ngayun ay nakangisi habang tinititigan si Taehyung.
Naikuyom ko ang mga kamao sa sobrang pagpipigil sa sarili.
Gusto kong basagin ngayun ang pagmumukha ng ugok na to.
Nawala sa laro ang atensyon ko at nagulat nalang ako nang marinig ang malakas na pag sigaw ni Taehyung.
"Kookieeee!!!!" Taehyung shouted that made me snapped back to reality.
Huli na para makuha ko ang gusto niyang ipahiwatig. Bumagsak na ang bola sa sahig.
Hindi ko na spike ang bolang sinet ni Taehyung para sa akin.
Narinig ko ang malakas na pagsinghap ng mga kasamahan ko at ang masayang sigawan ng mga Black Swan University.
BINABASA MO ANG
STUCK IN A FRIENDZONE
أدب الهواةI LOVE THE WAY YOUR EYES SMILED AT ME, BUT IT HURTS COZ THIS IS ALL WE CAN BE. I'M JUST A FRIEND AND A NOBODY. CAN'T YOU SEE THAT I'M IN LOVE WITH YOU, KOOKIE? (WRITTEN IN FILIPINO LANGUAGE)