A WEEK LATER....
TAEHYUNG'S POV
"Chim, please...."
"But Tae, hindi pwedeng hindi ka umattend ng victory party natin bukas. Ano ba naman kasi yan!" Pikong wika nito habang nagdadabog na naglalakad pa sa harap ko .
Nasa classroom kami ngayun at dahil nakagawian nang una kaming dumadating tuwing umaga simula nung na injured ako ay kaming dalawa pa lang ang tanging naririto.
Sinunsundo ako ni Jimin sa bahay tuwing umaga at inihahatid tuwing uwian na.
Si Jungkook?
Halos hindi na nagpapakita sa akin aside sa pag nasa loob kami ng classroom since na magkaklase kaming dalawa.
Kapag nasa labas ay palagi siyang hindi mahagilap. At kapag nakita mo naman ay palaging kasama si Ji-Eun.
Mukhang totoo nga ang sinasabi nilang nagkabalikan na silang dalawa.
Hindi na rin ito pumupunta sa bahay pero naririnig kong nag uusap sila minsan ni Eomma sa labas ng gate.
Tila biglang hindi na kami magkakilalang dalawa.Lahat ng pinagsamahan at alaala namin ay tila naglaho na parang bula.
Ni hindi man lang nito makuhang tumingin sa akin at tila hindi niya ako nakikita kahit na nasa iisang lugar lang kaming dalawa.
Alam kong ginusto ko to...
Pero bakit hindi ko pa rin maiwasang masaktan?
Dapat ay masaya ako para sa kanya. He's with the best girl in the whole town and yet I can't help myself but to be regretful about everything.
With depression and anxiety, hindi ko na alam kung tama ba o hindi ang mga binitiwan kong salita nung mga panahong namimilit si Jungkook na makita at makausap ako.
That time, isa lang ang nasa isip ko. Ang wag siyang makita at ayokong kaawaan niya ako.
He deserves the best and I'm the worst.
He deserves to be with Ji-Eun and not with me.
But now, why it hurts like hell?
Ni hindi ko kayang makitang magkasama silang dalawa. Kusa nalang tumutulo ang mga luha ko kapag nakikita ko kung paano alagaan ni Jungkook si Ji-Eun.
"Hindi naman kasi dapat lalayo yung tao kung hindi mo sana pinagtutulukan, eh." Narinig kong komento ni Jimin.
"H-Ha?" Wala sa sariling wika.
"Hahakdog, Taehyung. Hindi kami tanga para hindi mapansin sa hospital pa lang ang ginagawa mong pag iwas kay Jungkook. Jin hyung and I even saw him crying but still he managed to smile and hid the pain. Ano ba kasing drama mo ha?"-Jimin
Napapabuntong hiningang napayuko nalang ako.
"Jungkook is always with Ji-Eun and it acting like a couple again. Tapos ikaw, emo sa umaga, emo sa hapon at emo sa gabi."-Jimin
"I guess, mas mabuting ganito nalang kaming dalawa, Chim."-Taehyung
"Anong mabuting ganito nalang kayo? Dude, nagbibiro ka ba? Bakit ba ang hilig niyong pahirapan ang isa't isa kung alam niyo namang nagmamahalan kayong dalawa?!"-Jimin
Tila napipikong umupo ito sa may harap ko saka gigil na itinuro ang binti kong naka knee brace pa rin magpasa hanggang ngayun.
"Ito lang ba ang problema mo kung bakit ginaganun mo yung tao? My God, Taehyung! Napakababaw ng dahilan mo. Wala sa inyong dalawa ang may kasalanan. It's all Bambam's fault, bakit niyo pinaparusahan ang mga sarili niyo?!"-Jimin
BINABASA MO ANG
STUCK IN A FRIENDZONE
FanfictionI LOVE THE WAY YOUR EYES SMILED AT ME, BUT IT HURTS COZ THIS IS ALL WE CAN BE. I'M JUST A FRIEND AND A NOBODY. CAN'T YOU SEE THAT I'M IN LOVE WITH YOU, KOOKIE? (WRITTEN IN FILIPINO LANGUAGE)