JUNGKOOK'S POV
* What's on your mind lately?
Are you also thinking about me?
I bet the answer is no coz you're not even interested.
Coz someone already has your heart and mind captivated. *
_____________________________Patakbong pumunta ako sa naghihintay na school bus na siyang nakaparada sa tapat ng main gate ng university namin.
Ngayun naka schedule ang three days condition training namin sa Gwanaksan Mountain. Excited ako every year sa condition training namin.
Mas nakakapag focus kami sa mga routines at training dahil nakakatulong ang magandang kapaligiran sa amin.
Nakakalma siya.
At higit sa lahat makakasama ko si Taehyung.
Nakangiting umakyat ako ng bus at agad na hinanap ng mga mata ko si Taehyung pero napanguso nalang ako nang makitang wala pa siya.
"Matik na nawala agad ang ngiti eh." Natatawang komento ni Minho dahilan para sumimangot ako lalo.
Naglakad ako papunta sa pinakadulong parte ng bus at doon naupo.
"Wala pa si Taehyung mo." Narinig kong dagdag na pambibwesit ni Mingyu.
"Oo, alam ko. Kitang kita mo ngang tuwang tuwa ako ngayun oh." Pabalang ko pang sagot sa kanila dahilan para magsipag tawanan ang mga ito.
"Diba, mag kapitbahay kayong dalawa? Bakit hindi mo alam kung nasaan na ang boyfriend este bestfriend mo?"-Suga hyung
"Ito lang yata ang bestfriend na kung magselos tinalo pa ang asawa ni Taehyung eh."-Namjoon hyung
"Hyung, wala pa namang asawa si Taehyung."-Hoseok hyung
"Ay, oo nga wala pa pala. Wala naman kasing makakalapit sa kanya dahil may kuneho ditong nagbabalot tao na grabi kung makabakod."-Niamjoon hyung
Napasinghal ako lalo nang marinig ang buhay na buhay na tawanan nila.
Mga tukmol talaga.
"Hindi nakakatawa. Mga ulol tong mga to."-Jungkook
Biglang may umakyat ng bus dahilan para biglang mapatayo ako sa pag aakalang si Taehyung iyon para ganun nalang ang panlulumo ko nang makitang si Jin hyung at Jimin ang mga ito.
Naiiling na bumalik ako sa pagkakaupo.
"Ay, nahopia. Hindi naman pala si bestfriend ang dumating."-Baekhyun
"Isa kapa!"-Jungkook
Napipikon na ako sa mga lokong to.
Nasaan na ba kasi si Taehyung?!
Ipipikit ko nalang sana ang mga mata nang bigla kong narinig ang malakas na pagtawa ni Taehyung mula sa di kalayuan.
Agad akong napatayo ulit saktong umakyat ito ng bus pero naikuyom ko ang dalawang kamao nang makitang kasama nito si Younghoon.
"Sasabog na naman si Mt. Jeon Jungkook. Reason of eruption? Extreme jealousy." Natatawang saad ni Suga hyung dahilan para matahimik ang lahat.
"Masaya na naman to."-Jimin
Natigilan si Taehyung at Younghoon nang makitang tahimik ang buong bus at nakatitig sa kanilang dalawa ang lahat.
"H-Hi? A-Anong meron? Okay lang k-kayo?" Naiilang na sambit ni Taehyung habang may alanganing ngiti sa kanyang mga labi.
BINABASA MO ANG
STUCK IN A FRIENDZONE
FanficI LOVE THE WAY YOUR EYES SMILED AT ME, BUT IT HURTS COZ THIS IS ALL WE CAN BE. I'M JUST A FRIEND AND A NOBODY. CAN'T YOU SEE THAT I'M IN LOVE WITH YOU, KOOKIE? (WRITTEN IN FILIPINO LANGUAGE)