AFTER A WEEK....
TAEHYUNG'S POV
Ayoko man ay namalayan ko nalang ang sariling naglalakad sa malawak na hallway ng campus namin nang sumunod na linggo. Na move na naman ang opening ng volleyball league dahil daw sa internal issues.
Sariwa pa rin sa alaala ko ang naging kumprontasyon na nangyari noong nakaraang linggo.
Umalis ako nang bahay nila ni Jungkook nang umiiyak. Sinubukan ako nitong habulin pero nagmatigas ako.
Ngayun, ayoko man ay paniguradong maghaharap na naman kaming dalawa.
Napabuntong hininga nalang ako nang tuluyan akong makarating sa harap ng locker ko.
No letters for now and maybe for forever?
Isang buntong-hininga pa ulit ang pinakawalan ko nang tuluyan ko binuksan ang locker para kunin ang mga librong kakailanganin ko sa klase ko.
Tila nililipad ang isip ko sa kung saan saan pero alam kong isa lang din naman ang paroroonan.
Kay Jungkook pa rin.
Dahil na rin siguro sa wala ako sa maayos na pag-iisip ngayun ay hindi ko nahalata ang pagkahulog ng history book ko.
Diretso ito sa sahig at gumawa ng isang malakas na ingay.
Napabuntong-hininga ulit ako at agad na yumuko para abutin ito.
Pero di ko inaasahang may kamay na hahawak sa kamay ko nang akmang pupulutin ko na ang libro sa sahig.
Parang may libu-libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa kamay ko nang mapagtantong sabay naming inabot ni Jungkook ang nahulog kong libro dahilan para magtagpo ang mga kamay naming dalawa.
Parang napasong binawi ko ang kamay saka umayos ng tayo.
"S-Sorry...."-Taehyung
Nakita ko kung paano napailing si Jungkook saka nito inabot sa akin ang libro na agad ko namang kinuha.
"Lahat nalang ng gamit mo nahuhulog mo o nawawala. Tsk, napaka clumsy mo talaga kahit kailan." Narinig kong bulong pa ni Jungkook habang kinukuha ang mga gamit sa sarili niyang locker.
Awtomatikong napasimangot ako nang marinig ang sinabi niya.
"Napaka perpekto mo naman masyado."-Taehyung
Pabalang kong isinara ang pinto ng locker ko saka isinukbit ng maayos ang bag ko sa balikat ko.
Akmang aalis na sana ako nang maramdaman ko ang paghawak ni Jungkook sa balikat ko.
Kunot-noong nilingon ko siya at napaigtad nalang ako nang bigla niya akong akbayan saka inakay para magpatuloy sa paglalakad.
Inipit nito ang ulo ko sa braso niya at kasunod kong naramdaman ang pagkintal nito ng isang pinong halik sa tuktok ng buhok ko.
"Anong ginagawa mo?!" Inis kong tanong sa kanya pero sinimangutan lang ako nito.
"Tell me...."-Jungkook
"Tell you what?!"-Taehyung
"Tell how to come up with the idea or even just to find a strength to stay away from you."-Jungkook
Napanganga ako sa sinabi niya.
Agad na nagwawala ang mga libu-libong paruparo sa tiyan ko.
"Jungkook....."-Taehyung
"I know, hindi na dapat ako lumalapit sayo. But believe me, Tae sinubukan ko. Grabing pagpipigil ang ginawa ko sa sarili wag ka lang lapitan pero anong magagawa ko kung may sariling isip ang mga paa at katawan ko na sa tuwing nakikita kita ay kusa akong naglalakad patungo sayo?" Sinserong wika nito na nakapag patameme sa akin.
BINABASA MO ANG
STUCK IN A FRIENDZONE
FanfictionI LOVE THE WAY YOUR EYES SMILED AT ME, BUT IT HURTS COZ THIS IS ALL WE CAN BE. I'M JUST A FRIEND AND A NOBODY. CAN'T YOU SEE THAT I'M IN LOVE WITH YOU, KOOKIE? (WRITTEN IN FILIPINO LANGUAGE)