CHAPTER THREE (DECISIONS)

1.1K 74 24
                                    

JUNGKOOK'S POV

               * You are like my favorite star in the sky,
                   That I can only watch from afar and seems so high.
                   No matter how I tried to extend my hand to reach,
                  But the galaxy and heaven would never ever permit.
                  __________________________

Mabilis kong ipinasok sa loob ang note na nareceive ko ngayung araw. Kinukuha ko na ang mga gamit ko sa loob nang bigla kong maamoy ang pamilyar na pabango ni Taehyung.

Agad ko itong nilingon at ganun nalang ang tuwa ko nang makita ko ang inaantok ko pang bestfriend.

Humihikab nitong binuksan ang locker niya saka kinuha ang ilang gamit niya.

"Taetae!" Malakas na tawag ko sa kanya pero inaantok na nilingon lang ako nito saka tinaasan ng isang kilay bilang tugon.

Hmp. Ang sungit na naman.

Sinara ko ang sariling locker saka naglakad papalapit sa kanya.

"Good morning, bestfriend. Kakarating mo lang?"-Jungkook

Humikab muna ito saka sinara ang sariling locker kapagkuwan ay binalingan ako.

"Hindi. Kanina pa ako dito pero dun kami sa volleyball gym dumiretso ni Jimin. Nag one on one training kaming dalawa."-Taehyung

"Ah, kaya pala ang sungit sungit mo. Kulang na naman ang tulog mo."-Jungkook

Hindi ito nagsalita sa halip ay nagulat ako nang bigla nitong hawakan ang kamay ko saka ako hinatak.

Nagpatianod nalang ako at hindi na umalma pa. Binaktas namin ang daan papuntang volleyball gym.

Nang makarating ay agad na hinanap ng mga mata ko si Jimin pero wala ito.

"Nasaan si pandak? Akala ko nag one on one kayo?" Nagtatakang tanong ko pa.

"Nag shower saglit." Maikling tugon nito.

Sungit naman nito masyado?

Pinaupo niya ako sa isang bench malapit sa court habang may agad itong hinanap sa loob ng bag niya.

"Anong hinahanap mo?"-Jungkook

Akmang tatayo ako pero agad niya akong hinawakan sa balikat para pigilan.

"Maupo ka lang diyan. Saglit lang to. Wag kang makulit at inaantok pa ako."-Taehyung

Naitikom ko ang bibig nang wala sa oras at inantay kung ano ba ang balak na gawin ni Taehyung.

May inilabas itong maliit na tube mula sa bag niya at agad nito iyong binuksan.

"Ointment? Para saan yan?"-Jungkook

Naiiling na naglagay ito ng konti sa hintuturo niya saka umupo sa tabi ko.

"Para diyan sa pisngi mong bakat pa rin yung bola." Naiiling na saad nito habang pinapahiran ng oinment ang kaliwang pisngi ko.

"Hindi naman na masakit, Tae. Okay lang ako."-Jungkook

Nakita ko kung paano ito sunud sunod na umiling ulit na parang nakukunsumi sa akin at humugot ng isang malalim na buntong hininga.

Tiyak sumasakit na naman ang ulo nito nang dahil sa akin.

"Bakit kasi hindi ka nakikinig? Alam mo naman yung pinakaayaw ko sa lahat ay yung nasasaktan ka. Buti yan lang inabot mo kay Coach. Sa susunod kasi kapag maka post training huddle tayo, mag focus ka. Hindi yung kung saan saan lumilipad yang utak mo. Umabot na yata sa outer space. Lutang na lutang ka." Malambing ngunit may halong pangaral na saad ni Taehyung dahilan para matigilan ako.

STUCK IN A FRIENDZONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon