LATER THA EVENING....
TAEHYUNG'S POV
"What?! Sabihin mong nagbibiro ka lang, Taehyung?!" Hindi makapaniwalang saad ni Bogum hyung nang sinadya ko siya para kausapin.
"Hyung, sana nga nagbibiro nalang ako. Sana nga hindi totoo ang mga pinagsasabi ng gunggong na yun." Tugon ko pa sa kanya.
Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari at pinagsasabi ni Bambam sa akin.
Bilang teammate niya alam kong matutulungan ako ni Bogum hyung para alamin at pigilan ang masamang plano nito para kay Jungkook.
"Malaking problema to kung ganun, Taetae. Isang gago talaga yang si Bambam. Siguro isa sa mga nagpa trigger sa kanya ay yung pagkatalo namin sa inyo during preliminaries."-Bogum hyung
"I know, hyung. Kaya aaminin kong takot na takot ako ngayun. Baka kung ano ang gawin niya kay Jungkook. I don't want him to get hurt, hyung."-Taehyung
"Shit. Syempre ayoko ring masaktan ang mokong na yun. Kahit walang galang sa akin ang isang yun, eh mahal na mahal ko yun."-Bogum hyung
Nanghihinang napaupo nalang ako sa kama ni Bogum hyung.
Sinadya ko talaga siya dito sa kwarto niya kahit gabi na dahil ayoko ring may ibang makarinig sa aming dalawa.
Bago umabot pa sa gagong Bambam na yun.
Nabalot kami nang katahimikan habang tila nahulog naman sa malalim na pag iisip si Bogum hyung.
Nang may bigla akong maalala....
"Hyung, isang problema pa pala." Bigla kong untag sa kanya.
"Ano naman yun?"-Bogum hyung
"Hindi ako sigurado pero sa tingin ko ay narinig ni Jungkook ang naging pag uusap namin ni Bambam. Sabi kasi ni Hoseok hyung at sinundan niya ako dahil daw ang tagal kong bumalik pero hindi ko siya nakita sa labas ng athlete's lounge. Hahanapin ko na sana siya nang bigla ko siyang makasalubong na namamaga ang mga mata. Hindi ako maaaring magkamali. Kagagaling lang niya sa pag-iyak, hyung."-Taehyung
"Nagbago ba siya sa pakikitungo sayo?"-Bogum hyung
"Hindi naman, hyung. Ganun pa rin siya. Kaya nga nagtataka ako kung nandun nga ba siya nung mag usap kami o wala."-Taehyung
Hindi na sumagot si Bogum hyung pero nananatiling nakakunot ang noo niya na tila napakaseryoso sa iniisip.
I really need his help.
At alam kong hindi ito magdadalawang isip na tulungan ako.
Mahalaga sa aming dalawa si Jungkook.
Kung nagkataon na hindi lang sila lumipat ng tirahan, paniguradong magkakasama kami hanggang ngayun at hindi siya mahihiwalay sa amin.
Sunod kong narinig ang paghugot nito ng isang malalim na hininga.
"Tae, to be honest knowing Kookie so well, I think he heard everything. Based sa mga ikinuwento mo, alam nating parehu na mas malaki ang posibilidad na may marinig siya sa naging pag uusap niyo ni Bambam."-Bogum hyung
Tama siya.
Pero bakit ganun?
Bakit hindi man lang niya ako sumbatan sa mga sinabi ko?
Bakit hindi man lang niya ako kumprontahin sa tunay na nararamdaman ko?
"Because he trust you, Tae." Biglang sagot ni Bogum hyung na tila nababasa niya ang iniisip ko.
"Hyung....." Naiiyak kong wika.
"He trust you enough that despite of everything he heard, he still choose to believe in your actions and not in your words. That even though he's hurt, he still managed go put up a smile and continue in expressing how much he loves you, Tae. Mas pinagkatiwalaan niya ang tagal ng pinagsamahan niyo at pagkakakakilala niya sayo." Malambing na paliwanag ni Bogum hyung sa akin.
BINABASA MO ANG
STUCK IN A FRIENDZONE
FanficI LOVE THE WAY YOUR EYES SMILED AT ME, BUT IT HURTS COZ THIS IS ALL WE CAN BE. I'M JUST A FRIEND AND A NOBODY. CAN'T YOU SEE THAT I'M IN LOVE WITH YOU, KOOKIE? (WRITTEN IN FILIPINO LANGUAGE)