CHAPTER EIGHTEEN (REAL MVP)

703 62 11
                                    

TAEHYUNG'S POV

Pasalampak na naupo ako sa damuhan habang kanya kanya din sa paghahanap ng mapupwestuhan ang iba kong teammates.

Katatapos lang ng morning routine namin at jogging kaya naisipan muna naming magpahinga saglit bago bumalik sa athlete's lounge at maghanda para sa awarding ceremony mamaya.

Then after the awarding ceremony, we will face Winter Bear University for the final battle for the championship.

Another battle between Bambam and Jungkook.

That jerk....

Hindi ko napigilan ang pagkawala ng isang buntong-hininga.

Nakakastress.

Hindi ko alam kung ano ang gaggawin ko bukas.

"Bukas pa nga ang finals pero mukhang stress na stress kana diyan?" Natatawang saad ni Younghoon sabay upo sa tabi ko.

Inabutan niya ako ng isang mineral bottle na agad ko namang tinanggap.

"Gustung gusto ko nang matapos ang season na to." Naiiling kong tugon sa kanya saka iniinom ang mineral bottle na binigay niya.

"Halatang halata nga. May problema ka ba? Hindi ka naman ganyan ka tense at stress noon ah?"-Younghoon

Hindi na ako nagsalita pa.

Hindi ko rin kasi alam kung ano ang isasagot ko.

"Si Jeon na naman ba?"-Younghoon

Napabuntong hininga nalang ulit ako.

Nauubusan na ako ng brain cells.

Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko.

"Alam mo, kung ano man yang iniisip mo wag na wag mong kakalimutang nandito naman kami para sa inyo. Kaya natin yan. Tiwala lang."-Younghoon.

Nakangiting nilingon ko si Younghoon nang medyu gumaan ang pakiramdam ko nang dahil sa sinabi niya.

Tama.

Hindi naman ako nag iisa sa loob ng volleyball court bukas eh.

Kasama ko ang buong team.

Kasama ko ang mga kaibigan ko.

"See? Nagwoworry ka masyado at kinakalimutan mong nandito pa kami. Nakakahalata na ang buong team pero mas pinili naming wag nalang magsalita dahil alam naming hindi ka rin sasagot. But always remember the team is always behind you and Jungkook's back, Taehyung......."

Hindi na natapos ni Younghoon ang iba pang sasabihin nang walang anu anong biglang sumulpot si Jungkook sa gitna namin at sapilitang siniksik ang sarili sa gitna naming dalawa.

"Aray naman! Tangina neto, ano na namang ginagawa mo?!" Inis na sita dito ni Younghoon nang tuluyan na itong nakaupo sa gitna naming dalawa.

"Matagal na akong duda sa pagkatao mo, Younghoon. Noon pa man alam ko nang miyembro ka ng salisi gang, eh. Umihi lang ako saglit nasalisihan mo na ako?!" Jungkook annoyingly replied.

Naiiling na ipinagpatuloy ko nalang ang pag inom ng tubig saka sila hinayaang mag bangayang dalawa.

"Napaka praning mo talagang ugok ka! Hindi ko naman aagawin sayo si Taehyung!"-Younghoon

"Eh, bakit ka nakatabi sa kanya? Bakit ganyan ka kung makangiti?! Parang nagpapacute ka?!"-Jungkook

"Eh, bakit abnormal ka?!"-Younghoon

"Tigilan niyo na nga yan. Nakakaumay na kayong dalawa." Saway pa ni Namjoon hyung sa mga ito.

"Jusko. Hindi na kayo natapos tapos sa pagbabangayan niyong dalawa. Kim Taehyung, sagutin mo na nga yang si Jungkook at nang makampante na."-Minho

STUCK IN A FRIENDZONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon