JUNGKOOK'S POV
* Falling in love with you is never easy,
I'm so afraid that you'd be disgusted and will never accept me.
I did tried to stop myself from drowning,
But what can I do when it's you I'm always dreaming? *_________________________________
Ingay ng mga sapatos namin sa sahig at ang tunog ng mga pagtalbog ng bola ang bumalot sa buong volleyball gym.
Maaga pa lang at wala pang liwanag ay nagsimula na kami para sa aming heavy training.
Malapit na ang interschool sports feast at kailangan naming siguraduhing wala makaagaw ng championship trophy mula sa school namin.
Kaya kahit na inaantok pa at pagod dahil katatapos lang din ng quarter exams namin kahapon ay nandito kami ngayun at pinag-iigihan ang pagtatraining.
Kasalukuyan naming ginagawa ang mga drills namin at pinag seset kami ng bola ni Taehyung.
Habang kanya kanya naman sa pag save at pag dive ng bola si Baekhyun at Suga hyung na siyang tumatayong mga libero ng team.
Nakangiting nagseset si Taehyung para sa amin habang may magandang ngiti sa kanyang mga labi.
"Jeon, you can rest for now. Balik ka agad dito kapag kaya mo na." Utos ng head coach namin.
Tumango ako sa kanya saka naglakad papunta sa bench sa gilid ng volleyball gym.
Agad kong inabot ang bag ko saka kinuha ang dalang towel saka nagpunas ng pawis.
Hindi rin ako nagtagal sa pagpapahinga at naisipan kong bumalik na agad sa training. Ayokong tumambay dito at walang ginagawa.
Nilapitan ko muna si Taehyung na nakatayo sa isang gilid at mukhang nagpapahinga.
Pinalitan ito ni Jimin sa pagseset ng bola sa ibang spikers dahil kanina pa din itong walang pahinga.
"Taetae....." Nakangiti kong saad nang tuluyan akong makalapit.
"Hmmmmm?" He replied with a smile.
Mabilis kong pinatong ang kamay sa balikat niya.
"Tired?"-Jungkook
"Nah, I'm fine."-Taehyung
Sabay naming pinanood ang mga kasamahan naming babad at seryoso pa rin sa pagtatraining nang bigla kong maramdaman ang paghugot ni Taehyung ng isang malalim na buntong hininga.
"Lalim nun ah. Okay ka lang?" Natatawa ko pang tanong sa kanya pero inismiran lang ako nito.
"Kailangang tumawa?!" Masungit namang tugon nito sa akin dahilan para matawa ako lalo.
"Ano ba kasi ang problema nitong bestfriend ko?" I said between soft laughs.
Gigil na pinisil mo ang pisngi niya gamit ang kamay kong nakapatong sa balikat niya.
Inis na inalis naman nito ang kamay ko sa balikat niya saka umusod ng konti para lumayo sa akin pero agad ko din siyang sinundan.
"Lumayo ka nga sa akin bwesit ka."-Taehyung
"Bakit inaano ka ba? Tinanong ka lang naman kung anong problema mo ah."-Jungkook
"Kailangang pagtawanan ang kamiserablehan ng iba?!"-Taehyung
"Eto naman napaka seryoso masyado. Parang nilalambing lang eh."-Jungkook
"Tigilan mo ko bago ka masamain sa akin diyan."-Taehyung
Naiiling na bumalik ako sa bench kanina kung saan nakapatong ang bag ko. Kinuha ko ang tuwalyang ginamit kanina saka naglakad pabalik kay Taehyung na hanggang ngayun ay tila inis na inis sa akin.
BINABASA MO ANG
STUCK IN A FRIENDZONE
FanfictionI LOVE THE WAY YOUR EYES SMILED AT ME, BUT IT HURTS COZ THIS IS ALL WE CAN BE. I'M JUST A FRIEND AND A NOBODY. CAN'T YOU SEE THAT I'M IN LOVE WITH YOU, KOOKIE? (WRITTEN IN FILIPINO LANGUAGE)