CHAPTER TWELVE (THE RIVAL?)

1.1K 71 20
                                    

VOLLEYBALL LEAGUE OPENING

JUNGKOOK'S POV

Nilalamig na kiniskis ko ang dalawang kamay saka ito dinikit sa magkabila kong pisngi.

Halos madilim pa ang buong paligid pero nandito kaming mga volleyball players ngayun at naghihintay sa pagdating nila coach.

5:00 A.M talaga ang call time pero dahil may mga papers pa munang tinapos ang coaching staff sa admin office kaya nandito kami at nag aantay sa kanila.

Nilibot ko ang paningin sa paligid para hanapin si Taehyung.

Sabay kaming nagpunta ng university, nagpaalam lang ito saglit na may kukunin sa locker niya kasama si Jimin.

"Jeon...." Narinig kong mahinang pag tawag ni Younghoon sa pangalan ko.

"Yeah?"-Jungkook

"Seryoso ka ba talaga sa panliligaw mo kay Taehyung?"-Younghoon

Awtomatikong napataas ang isang kilay ko sa naging katanungan niya.

Isa pa tong mokong na to eh. Uupakan ko na talaga to.

"Wala naman akong natatandaang may sinabi akong mang gogood time lang ako?"-Jungkook

"Seryoso ka nga?"-Younghoon

"Psh. Wala talagang comprehension ang ugok na to. Oo nga!"-Jungkook

Sunod kong narinig ang mahinang tawanan ng mga kasamahan naming naroroon.

"Tsk. Di ko talaga maintindihan kung ano ang nagustuhan sayo ni Taehyung eh."-Younghoon

"Ay, talagang hindi mo maiintindihan, pinanganak ka ba namang ganyan. Tsk tsk."-Jungkook

Nakita ko ang sunud sunod na pagbuntong hininga ni Younghoon.

Napipikon na to.

"Ewan ko nga sayo. Bakit nga ba nag aaksaya ako ng oras na kausapin ka?" Naiiling pang wika nito.

"Ewan ko din sayo. Bakit nga ba nag aaksaya kapa?"-Jungkook

"Tangina! Dahil gusto ko lang sanang sabihing kahit gusto ko si Taehyung ay hindi ako gagawa ng bagay na makakasakit sa inyong dalawa at suportado kita sa panliligaw mo sa kanya! Dahil noon pa man alam ko na talagang ikaw ang gusto niya!" Pikong sagot sa akin ni Younghoon.

Natigilan ako sa sinabi niya saka ako unti unting napangiti.

"Bestfrieeeennnnddd!" Patalon ko siyang nilapitan saka inakbayan.

"Bestfriend?! Tangina mo, Jeon. Lumayo ka sakin."-Younghoon

Nandidiring itinulak ako nito pero mas lalo kong lang hinigpitan ang pagkaka-akbay sa kanya.

"Tama yang naging desisyon mo! Tigilan mo yang kapraningan mo and let TaeKook sailed."-Jungkook

"Tumahimik ka diyan. Upakan pa kita eh."-Younghoon

Patuloy lang kami sa pagkukulitan ko nang bigla nang dumating ang buong coaching staff at nakasunod sa kanila ang nagtatawanang sina Taehyung at Jimin.

Agad na nagningning ang mga mata ko nang makita siya.

Nakangiting tumayo si Head Coach sa harap naming lahat.

Sakto namang pumwesto si Taehyung at Jimin sa tapat namin ni Younghoon pero hindi na rin ako nabigyan ng pagkakataon na kausapin siya o ano dahil nagsimula nang magsalita si Coach sa harap naming lahat.

"Today is the day. I know some of you is really nervous especially to our rookies but rest assured that you will come to this war well-prepared. Nakita ko ang progress niyo since day one ng training at masasabi kong handa na kayo."-Head Coach

STUCK IN A FRIENDZONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon