CHAPTER ONE (HOW?)

1.2K 78 11
                                    

JUNGKOOK'S POV

* Your smile is driving me crazy,
   Your eyes is making me insane.
   Your deep and beautiful voice send me chills,
    I don't want to fall for you, but how? *

Napabuntong hininga ako nang mabasa ang note na nakaipit sa locker ko.

Habang tumatagal nagiging malaking katanungan sa utak ko kung sino ang nasa likod ng mga sulat na natatanggap ko araw araw.

Maingat na tiniklop ko ito saka nilagay sa pinakadulong bahagi ng locker ko. Inihulog ko ito sa isang open glass jar.

Doon ko nilalagay lahat ng natatangap ko mula sa taong nagpapadala nito sa akin araw-araw.

Nilinga ko ang paningin sa paligid at inaasahang makikita doon si Taehyung pero wala siya.

Teka, malalate ba siya? Anong nangyari sa kanya?

Nagmamadaling kinukuha ko ang cellphone sa bulsa ko para tawagan sana siya nang bigla kong maramdaman ang pagyakap ng dalawang kamay sa beywang.

"Babe..." Malambing na tawag sa akin ng isang pamilyar boses.

Agad ko itong nilingon at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng girlfriend.

Lee Ji-Eun.

Our campus sweetheart.

My girlfriend.

"Babe, ang aga mo yata?" Nakangiting kong wika saka pinulupot ang dalawang kamay sa beywang niya.

"Ilang araw ka nang hindi nagpapakita sa akin eh. Kaya sinadya kong agahan ang pagpasok para matyempuhan kita." She said sweetly.

"Sorry, busy sa trainings eh. Mag ququarter exam pa tayo. Sorry kung nawawalan na ako ng oras sayo." Saad ko habang masuyong hinihimas ang pisngi niya.

Ngumiti lang ito saka sunud sunod na umiling.

"No, it's okay. Naiintindihan kita pero mangako kang babawi ka."-Ji-Eun

Sunud sunod akong tumango saka siya masuyong hinalikan sa noo.

"Babawi ako sayo, pangako yan."-Jungkook

Nagpatuloy pa kami sa pagkukwentuhan at paglalambingan sa kahabaan ng hallway at sa harap ng locker room ko nang biglang maamoy ko ang pamilyar na pabango ni Taehyung.

"Taetae!" Masayang bati dito ni Ji-Eun

Agad akong lumingon sa likod ko at nakita ko nga ang kararating lang na si Taehyung.

Alanganing napakamot ito sa batok niya saka tila atubiling naglakad papalapit sa amin.

Bakit parang may mali?

"What's wrong? Okay ka lang?" Agad na bungad ko sa kanya nang tuluyan itong makalapit.

"Okay lang ako. Hi, Ji-Eun." Taehyung said with a smile.

"Bakit na late ka yata? May problema ba?" Sa halip na singit ko.

Hindi ko maiwasang mag alala. Parang may hindi tama kay Taehyung.

Kilala ko siya. Base sa nakikita ko ngayun, alam kong tila anumang oras ay iiyak na ito.

"Kookie, okay lang ako. Sige mauna na ako sa inyo para makapag moment pa kayong dalawa diyan. Tiyak na namiss niyo ang isa't isa."-Taehyung

"See you around, Taehyung."-Ji-Eun

Akmang aalis na sana ito nang agad akong lumayo mula kay Ji-Eun para pigilan siya. Mabilis kong hinawakan ang braso niya habang hindi ko inaalis ang mga mata sa mukha niya.

STUCK IN A FRIENDZONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon