Chapter 19
Kinaumagahan ay bagsak ang balikat kong bumangon. Sobrang aga kasi nila akong ginising at hindi ko alam kung bakit, ngunit habang pababa ako ng hagdan ay pumasok na sa utak ko na baka magtetraining na ulit kami pero nakakapanibago lang kasi masyado yata kaming maaga ngayon.
Hindi pa nga sumisibol ang araw at sa tingin ko tulog pa ang lahat ng tao sa bayan. Panay pa ang pagpikit ng mga mata ko habang naglalakad palabas papunta sa training ground, panay din ang pagdaing ko sa tuwing tumatama ako sa bawat pader ng bahay ni Mysticus.
Nang makalabas ako ay malamig na simoy ng hangin ang yumakap sa akin. Sa sobrang lamig ay halos manigas na ako sa kinatatayuan ko.
“How can you beat all of them, Eli? Kung yung antok mo palang hindi mo malabanan?”
Napatalon ako dahil sa gulat nang may magsalita sa tabi ko, pakiramdam ko ay biglang nagising ang buo kong sistema.
“K-kanina ka pa ba dyan?” tanong ko kay Vamwol na nakapamulsang nakatayo at may hawak na arnis.
Gusto kong lamunin nalang ng lupa ngayon dahil sa nangyari kagabi. Naabutan nya kaming naghahalikan ni Mysticus. Sobrang nakakahiya yun.
“Not really,” tipid nyang sagot at tumalikod na.
Habang naglalakad sya palayo sa akin ay hindi ko maiwasang mapa-isip, parang may iba sa kanya ngayon. Alam kong cold na talaga sya at seryosong tao pero lumala yata sya ngayon.
Ipinagkibit-balikat ko na lamang yun at nagmadaling sumunod sa kanya. Kailangan kong bumawi. Kailangan kong galingan ngayon at ibigay lahat ng makakaya ko upang matutunan lahat ng kailangan kong malaman para makalaban at makalaya na itong bayan namin sa mga masasamang bampira.
Humabol ako kay Vamwol na hindi naman ako pinapansin. Nakakabahala ang katahamikan nya ngayon. Paano nya ako matuturuan ng maayos kung hindi nya ako kakausapin?
Ni-sulyapan nga ako hindi nya magawa ngayon. Napanguso nalang ako at napaupo sa damuhan. Nag-sorry naman na ako kahapon, kulang pa ba yun?
Ilang minuto pa ay hindi ko na napigilan at
tinawag na sya.“Sun-- e-este, Vamwol!” tawag ko sa kanya, pero wala paring response.
Kanina pa syang nakatayo at iwinawasiwas sa ere ang hawak nyang arnis. Naglalakad din ng marahan para patamaan iyong mga poste ng kahoy na nagsisilbi naming kaaway tuwing nagtetraining.
Hindi nya ako pinapakinggan at halatang pilit nya ring iniiwasan ang presensya ko. May nagawa ba akong mali? Oo, malamang meron! Reklamador ka kasi, Eli!
Hindi nalang ako sumubok pang tawagin sya ulit at pinanood nalang sya. Tumayo nalang rin ako at kahit walang hawak na arnis ay pilit ko syang ginagaya.
Sobrang bilis ng mga kamay nya. Hindi ko halos masundan. Ang bawat pag-ikot at pag-tumbling nya upang patamaan ang ilang poste ay napapanganga nalang ako. Mas naging agresibo sya ngayon. Para bang galit na galit sya sa mundo at gustong gusto na nyang pumatay, or maybe gusto nya lang patumbahin lahat ng poste.
“Grabe, ang galing mo,” puri ko sa kanya pero hindi man lang nya ako nilingon.
He really changed. Nalungkot ako sa isiping iyon. Naglakad nalang ako pabalik sa pwesto ko kanina at busangot na umupo sa damuhan at pinagbubunot ang mga iyon, pero agad ding napabaling sa kanya nang magsalita sya ulit.
BINABASA MO ANG
The Virgin's Blood
VampireMoonlight doesn't believe in Vampires. Panakot lamang ang mga ito sa mga batang matitigas ang ulo sa bayan nila. Walang bampira. Hindi sila totoo. Yun ang nakatatak sa utak nya pero lahat yun nagbago nang bigyan sya ng isang lumang hair clip ng kany...