Chapter 2
Mabilis na kumalat sa school ang balitang ako ang huling kasama ni Miss Leonora kagabi kaya halos lahat ng nakakasalubong ko ay umiilag sa akin.
Samantalang ako ay tulala lamang na naglalakad at hindi parin makapaniwala sa sinapit ng Ginang. Ang dami ko tuloy sana ngayon.
Sana pala ay hindi ko nalang sya iniwang mag-isa kagabi. Sana pala sinamahan ko nalang sya sa bahay nya. Sana pala hindi nalang ako umalis sa tabi nya.
Mga sanang kahit kailan ay hindi na mangyayari pa. Malabo na dahil wala na sya. Huli na ang lahat para magsisi pa at humiling ng napakaraming sana.
Wala namang mababago. Mangyayari ang mga dapat mangyari. Baka oras na talaga nya.
“Oh my gad! Sya ba yun?”
“I can't believe that she can do that.”
Bulungan nila. Hindi ko na lamang pinapansin at nagpatuloy na lamang sa paglalakad. Bahala na sila sa kung ano mang isipin nila tungkol sa akin basta malinis ang konsensya ko. Alam ko sa sarili kong wala akong ginawang masama. Inosente ako.
“She looks like an angel pa naman tapos, killer pala,” their voices are full of disappointment.
Kahit na nakakalungkot isipin na wala na nga talaga si Miss Leonora ay mas nakakalungkot parin ang katotohanang ako ang iniisip nilang pumatay sa kanya, nalulungkot ako dahil pakiramdam ko ay walang nagtiwala sa akin. Walang sumubok na kilalanin talaga ang buong ako. Lahat silang nasa paligid ko ay pakitang-tao lamang. I thought that I am their friends because that's what they say so, but I think people are really complicated.
May mga araw na gusto ka nila at may mga araw na hindi, at yun ay araw-araw.
“Hey! Moonlight, dapat kang makulong!”
Ang dali naman nilang mambintang kahit wala namang pruweba na ako nga ang pumatay sa Ginang. They are just throwing some harsh words to me. It was just like a sharp knife. Para akong sinasaksak.
Gusto ko silang sigawan na hindi ako. Hindi ako ang pumatay!
“Moonlight!”
Ang boses na yun...
Pagmamay-ari yun ni Hiona.Nilingon ko ang ka-isa-isa ko na lamang malalapitan. She's wearing a Chuckie outfit. Mukha talaga syang timang kahit kailan. Kina-ka-career na nya ang pagiging costume player.
“Nabalitaan ko ang nangyari,” malungkot nyang wika nang makalapit sya sa akin.
Hindi ko malaman kung maiiyak ba ako o matatawa sa pangit nyang itsura ngayon. She really always lightning up my mood. Sya lang ang kaibigan ko na hindi ako iniwan kahit kailan.
“Don't worry, Moonlight. Naniniwala akong wala kang kasalanan.”
Alam ko...
Sinabayan nya akong maglakad papasok sa classroom at lahat ng mga kaklase namin ay puno ng pandidiri lang kaming tiningnan dalawa.
“No wonder why they are best of friends.”
“Isang weirdo at isang mamamatay tao.”
Sabay hagalpakan at bato sa amin ng ilang nilamukos na papel. Para silang mga bata kung maglaro ng basketball at kami ang napagtripang maging basketball ring.
BINABASA MO ANG
The Virgin's Blood
VampireMoonlight doesn't believe in Vampires. Panakot lamang ang mga ito sa mga batang matitigas ang ulo sa bayan nila. Walang bampira. Hindi sila totoo. Yun ang nakatatak sa utak nya pero lahat yun nagbago nang bigyan sya ng isang lumang hair clip ng kany...