Chapter 15
Hindi ko inakalang mararamdaman ko ulit ang katiwasayan kahit magulo ang nasa labas ng kwartong kinalalagyan ko. Dumadaan ang liwanag ng kidlat sa aking bintana na animoy gusto itong basagin ng liwanag na iyon. Hindi ako nakaramdam ng takot. Pakiramdam ko ay ligtas ako sa lugar na ito.
Napa-atras ako at napasandal sa headboard ng kama. Napayakap ako sa makapal na kumot na bumabalot sa aking katawan. Masyadong malamig at hindi ko alam kung paano pahinaan ang aircon na kanina ko pa sinasamaan ng tingin. Mahirap lang ako at kahit electricfan ay wala kami. Hindi iyon uso lalo na at malamig naman sa amin kina Lola dahil maraming puno.
Habang abala ako sa panonood ng patuloy na pagkidlat sa labas ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Agad akong napalingon doon at isang matandang ginang ang iniluwa non. May dala itong tray na puno ng pagkain at inumin. Isang inumin na hindi ko alam kung bakit may nakikita akong kulay itim sa inumin na yun, para bang lason.
“Magandang gabi, Eli,” yumukod ito sa akin bago sya tuluyang lumapit at ilapag sa katabing lamesa ang tray na dala nya.
Gusto ko pa nga sana syang kausapin tungkol sa bagay na nakita ko doon sa inumin ngunit ayaw ko naman na ma-offend sya sa maaaring marinig nya mula sa akin. Ayaw kong isipin nya na hindi ko pinagkakatiwalaan ang tulad nya, kaya ibang tanong tuloy ang nabitawan ko.
“Nandito ba sya?” tanong ko, tinutukoy ko ang nagmamay-ari ng malalim na boses na iyon kanina.
Kahit na mahina ako sa mga oras na yun ay naaalala ko parin ang lahat ng binitawan nyang mga kataga. Nakakapagtaka nga at madalas kapag nawawalan ako ng malay ay wala na akong masyadong maalala kapag nagising ako, ngunit kakaiba na ito ngayon. Lahat ay naalala ko.
“Wala ang Mysticus sa mga oras na ito,” nakayuko parin sya at tila natatakot na salubungin ang aking mga titig.
“Kung ganoon nasaan sya?” interesado kong tanong.
Gusto lang naman na pasalamatan ang isang yun at iniligtas nya ako kanina. Dahil sa kanya ay buhay parin ako hanggang ngayon.
Wala na akong ibang maiaalay sa kanya kun'di ang munting pasasalamat ko. Inilayo nya ako sa mga bampirang yun.
“Ilang araw na syang hindi umuuwi. Kaya sa palagay ko ay nasa Sincrest sya,” sagot nya.
Natigil ako sa pag-iisip tungkol sa lalaking yun nang marinig ko iyon. Tipid akong ngumiti. Sa tingin ko naman ay nagsasabi sya ng totoo at wala talaga syang alam sa kung nasaan ang Mysticus na yun.
Tinanunguan ko nalang sya at sinenyasan syang lumabas na ng silid ngunit hindi pa man sya tuluyang nakakalapit sa pintuan ay may napagtanto ako, nangunot ang aking noo at pinaharap syang muli sa akin.
“Ba-- Anong ibig sabihin mo doon sa sinabi mong ilang araw na syang hindi bumabalik?” taka kong tanong.
Imposible naman yun dahil kanina lamang ay nakita ko sya at sigurado akong sya ang naghatid sa akin dito. Maliban nalang kung nagkakamali lang ako.
Hindi kaya ay....
“Ilang araw ka ng walang malay, Eli, kaya hindi mo na alam kung anong nangyayari sa paligid mo ngayon.”
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko, bakas parin sa aking mukha ang pagkalito.
“Mahinang mahina ka nang dalhin ka nya sa amin. Ni-isa sa amin ay hindi ko alam kung magigising ka pa ulit. Putlang-putla ka at halos maubusan na ng dugo. Sugatan at duguan ka nang ipagkatiwala ka ng Mysticus sa amin,” mahaba nyang paliwanag.
BINABASA MO ANG
The Virgin's Blood
VampireMoonlight doesn't believe in Vampires. Panakot lamang ang mga ito sa mga batang matitigas ang ulo sa bayan nila. Walang bampira. Hindi sila totoo. Yun ang nakatatak sa utak nya pero lahat yun nagbago nang bigyan sya ng isang lumang hair clip ng kany...