Chapter 9
Nang matapos ko lahat ng mga dapat kong gawin ay agad akong bumaba mula sa aking kwarto para puntahan ang kinaroroonan nang aking Lolo at Lola. They were peacefully sleeping, hugging each other. They are the most precious couple in my eyes.
Napangiti nalang ako ng mapait at lumapit sa kinahihigaan nila. Inayos ko ang kanilang kumot dahil halatang nilalamig na naman si Lola. Ganoon talaga sya kapag alas-sais palang ng umaga. Usually alas-otso talaga ang gising nila kaya maaga talaga akong gumising para hindi nila makita ang pag-alis ko. Hindi ko sila kayang makitang mag-aalala sa akin. Ayaw ko rin na pigilan nila ako dahil kailangan kong gawin ang plano ko. Para sa kanila din naman yun at hindi para sa akin.
“Sana...” halos kapusin na ako nang magsalita ako habang tinititigan ang kalmado nilang mga mukha.
Hindi ko sila kayang iwan, pero kailangan. Wala akong choice dahil kamatayan lang dala ko kapag pinili kong manatili sa tabi nila.
“Sana magkita ulit tayo sa susunod nating buhay,” mahinang sambit ko at yumuko para halikan sila sa kanilang mga noo.
Sa pag-alis kong ito, sana muli pa kaming magkita. Sana muli ko silang makasama sa susunod kong buhay. Sana sila parin ang Lola at Lolo ko. Sana ako parin si Moonlight Eliana sa susunod kong buhay.
“Mahal na mahal ko kayo,” muli kong sambit at nagpunas ng mukha dahil basang-basa na ito dahil sa luha.
Ayaw ko ng mas magtagal dahil baka magbago na naman ang desisyon ko. I rather stay away than hurting them, just like what I did to Keeper's grandmother. Ayaw ko ng maulit yun. Hindi ko na kakayanin pa.
Tumayo na ako sa tabi nila at muli silang sinulyapan bago ako tuluyang lumabas ng kanilang kwarto at nagtungo na sa dapat kong patunguhan. Itinatak ko na lamang sa isipan ko na kaligtasan ang maibibigay ko sa kanila sa kabila ng pag-alis ko tuwing lumilingon ako sa tahanang kinalakihan ko.
Sa tahanang bumuo ng pagkatao ko. Sa tahanang hinubog ako ng pagmamahal. Sa tahanang hindi ko kailanman ipagpapalit sa kahit ano pa mang yaman sa mundo. They are my family. They will always be my home. Nakakalungkot lang isiping hindi na ako makakabalik pa sa yakap ng tahanan na iyon.
Habang naglalakad ay pinipigilan ko ang aking sariling lumingon nang lumingon. Hirap na hirap akong humakbang muling palayo sa kana.
Sana .. Sana mapatawad nila ako.
“Moonlight!” sigaw iyon ni Hiona sa di kalayuan. Halatang kanina pa nya ako hinihintay.
Tuluyan nang bumuhos ang luha ko nang mapagtantong naka-suot sya ng itim na t-shirt at Itim na short na sakto lamang ang iksi at hapit na hapit ang pagkakabilog non sa kanyang hita. Nakasuot din sya ng puting rubber shoes katulad ko.
She once promised me that she will wear that outfit if she will go with me if there is an adventure that I want to encounter.
“H-hiona...” I sobbed as I continued walking.
Nanghina na ang tuhod ko. She was smiling like she's telling me that everything is going to be okay.
“Hindi mo kailangang maluha, Moonlight,” iling nya habang nanatiling nakangiti ng matamis sa akin.
Ang mga ngiting yan. Makikita ko pa kaya ulit?
“Kaibigan mo ako kaya sasamahan kita kahit saan pang lupalop tayo mapunta,” nakangiting aniya nang tuluyan na akong makalapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Virgin's Blood
VampireMoonlight doesn't believe in Vampires. Panakot lamang ang mga ito sa mga batang matitigas ang ulo sa bayan nila. Walang bampira. Hindi sila totoo. Yun ang nakatatak sa utak nya pero lahat yun nagbago nang bigyan sya ng isang lumang hair clip ng kany...