So, dahil ilang beses na akong di nakakatulog ng maayos dahil sa ginawa kong pagpatay kay Moonlight, nakonsesnya na ako. Kaya nag decide akong gumawa pa ng last chapter. Last last na talaga. Hindi ko na kasi kerry yung pagka-bitter ko at pinatay ko talaga sya mga dzai! WHSHAHHA. So, hope you like it.
Gustuhin nyo na, with matching pamimilit. HAHAHAHA
Special Chapter
“Moonlight, apo, bumaba kana rito!” sigaw ng maganda kong Lola mula sa baba.
Napangiti ako nang marinig ko ang boses nya at tinigilan ang pagdidikit ng mga larawan sa gilid ng salamin katabi ng study table ko.
Hindi ko nga maalala kung paano kami nagkaroon ng Magandang bahay nila Lola at Lolo. Ang alam ko kasi ay kahoy lamang ang bahay namin dati at nasa ibabaw lang ako ng kisame nagkwakwarto, pero ngayon ay sementado na ang bahay namin at maganda pa ang desinyo.
“Ito na po, La. Bababa na po!” sagot ko at inabot sa gilid ng aking kama ang maliit kong bag na puno ng mga gamit sa school.
Last year ko na ngayon bilang senior high school, at hindi ko maalala kung paano ako naging senior high school. Wala akong matandaan. Hindi ko alam kung bakit. Basta simula nang magising ako ay puro mukha ng mga taong hindi ko kilala ang bumungad sa akin.
Yes, pamilyar sila, pero wala talaga akong ideya. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at bakit ako nasa harapan nilang lahat.
“My moon....” isang matipunong lalaki ang bigla nalang akong niyakap ng mahigpit.
Napangiwi pa ako dahil basa sya ng pawis habang suot suot ang uniporme nyang pang school. Bukas pa iyong butones nya, at maluwag na ang necktie. Masasabi kong gwapo sya, matangos ang ilong, mahaba ang pilik-mata, may kaputlaang mga labi, may mapupungay na mga mata, isa pa sa nagpadagdag sa kagwapuhan nya ay ang buhok nyang bagsak ngunit medyo magulo doon sa itaas.
“S-sino ka?” I asked him out of curiosity.
Tiningnan ko din silang lahat at ganoon din ang naging tanong. I saw them gulped and all of them started to cry.
Na-guilty tuloy ako bigla, kasi gumising lang naman ako, pero parang malaking kasalanan ang nagawa ko at iniiyakan nila ako.
“I'm glad you're awake.”
Nilingon ko ang nakahalukipkip na lalaki habang nakasandal sa gilid ng bintana ng kwarto. Semi-kalbo ang buhok nya, at may pasa pa sya gilid ng kanyang labi. His eyes were mysterious. Para syang isang bampira.
“S-sino ka naman?” tanong ko rin sa kanya.
“Vamwol,” tipid nyang sinabi at agad na umayos ng tayo.
Akala ko ay lalapitan nya ako pero naglakad lang sya palabas. Sinundan ko pa sya ng tingin pero hindi naman sya lumingon.
Muli kong hinarap ang lalaking tinawag akong Moonlight at niyakap nalang bigla. Mukha syang joker na heartthrob sa isang high school campus. Parang magkakasundo kaming dalawa.
“Ikaw? S-sino ka?”
Natigilan man sya ulit sa tanong ko ay agad parin nya iyong pinawi gamit ang isang malawak na ngiti.
BINABASA MO ANG
The Virgin's Blood
Ma cà rồngMoonlight doesn't believe in Vampires. Panakot lamang ang mga ito sa mga batang matitigas ang ulo sa bayan nila. Walang bampira. Hindi sila totoo. Yun ang nakatatak sa utak nya pero lahat yun nagbago nang bigyan sya ng isang lumang hair clip ng kany...