Chapter 24
“Eli!”
Sinalubong ko ang tumatakbong si Zei na puno na ng dugo sa kaninang malinis nyang damit. Ganoon din si Hiona na may mga galos na natamo sa katawan.
Si Reigan naman ay hindi na masyadong nakakalakad ng maayos. Dumudugo ang sugat nya doon sa kanyang paa. Wala na ang suot nyang t-shirt kanina, kaya kitang kita ko ang sugat na nasa kanyang dibdib. Maliit lamang iyon pero nagawa nitong paduguin.
Nilingon ko din si Danica na akay-akay ang batang si Kryztynn. Halatang pagod narin ito. Ang ilan naming kasamahan ay papalapit narin sa kinaroroonan namin. Lahat ay may sugat. Lahat nanghihina na at hindi na halos kakayanin kapag nagpatuloy pa ang labanan hanggang bukas.
“Kaonti lamang ang nawala sa kampo natin. Sila ang napuruhan ngunit natitiyak kong mas marami sila kaysa sa nakita natin kanina. Mahihirapan na tayo kapag nagpatuloy pa ito dahil marami na sa atin ang nauubusan ng lakas.” Pagbabalita ni Reyda habang tinutulungan ang ilan naming sugatan na kasama.
Marami ang dumadaing na nakakapanlumo. Everyone sacrificed. Everyone is suffering, na dapat ay ako lang ang makakaranas.
“Si Vamwol at Mysticus ay hinihintay pa naming makabalik dahil kinukuha pa nila ang ilang sugatan. Pagkatapos ay babalikan nila ang pack ng mga lobo. May hinala silang nilusob din doon. Sana lang talaga ay walang mangyaring mas malala sa kanila doon,” dagdag naman ni Zei.
May mga ilan kaming kasamang Healers dito pero hindi magiging sapat ang kakayahan nila para bumalik sa dating ayos ang lahat ng kasamahan namin. Kaonti lamang sila, at ako? Healer din ako pero lason ang nagagamot ko hindi tulad nila, dahil baka mapatay ko sila kapag ginamot ko sila. Maaaring mapahamak sila sa lason ko.
“Nandoon pa naman ang Lola at Lolo mo, Moonlight. Pati Lolo at Papa ko. Sana lang talaga ay nasa maayos silang kalagayan,” nag-aalalang sambit ni Hiona.
“Marami namang naiwan doon na magbabantay sa kanila ngunit kailangan paring magpunta ni Vamwol at Mysticus upang makasigurado at madala na sila dito,” si Reyda.
Napabuga ako ng hangin at tiningnan sila isa-isa. Pinagmasdan kong mabuti ang mga mukha nilang puno ng sakit, lungkot, pagod at takot. If only I could ease everything away.
“Moonlight, kilala kita. Alam ko ang mga tingin na yan.”
I smiled bitterly when I looked at her. She was worried. Kahit sila ni Zei ay nag-aalala din sa akin.
Napapikit ako ng mariin upang makapag-isip ng maayos. Pagdilat ko ng mga mata ko ay saktong bumungad sa akin ang mukha ni Patricia. Nakangiti sya at hinawakan ang pisnge ko.
“Eliana, hindi mo ito kasalanan. Huwag kang mangangamba mag-isa dahil nandito lamang kami sa tabi mo,” diretso nyang sinabi.
“Oo nga, Eliana. Nandito kami.”
“Lalaban tayo hanggang sa dulo.”
“Iisa tayo dito. Walang sisihan.”
“Ibabalik natin ang buhay at kulay ng mundong ito!”
Napatitig ako sa nga taong ngayon ay nakangiti na habang sinasambit ang mga katagang maaaring magpalakas ng loob naming lahat. They are all smilling, full of determination.
BINABASA MO ANG
The Virgin's Blood
VampireMoonlight doesn't believe in Vampires. Panakot lamang ang mga ito sa mga batang matitigas ang ulo sa bayan nila. Walang bampira. Hindi sila totoo. Yun ang nakatatak sa utak nya pero lahat yun nagbago nang bigyan sya ng isang lumang hair clip ng kany...