Chapter 8 Dreams

248 13 0
                                    











Chapter 8






Hawak ko ang isang hair clip na over na sa kalumaan ay tinahak ko ang daan papunta sa Lights Forrest kung saan sinabi sa'king dapat kong puntahan. Hapon na at nagliliparan na ang mga ibon pauwi sa kanya-kanya nilang mga tahanan. Kulay kahel na nga ang langit .



It was my favorite scene every afternoon, kapag kahel na ang kalangitan. Ang ganda kasi talagang pagmasdan ng buwan na sobrang bilog na bilog. Kabilugan nga pala ng buwan ngayon. Kaya kahit wala pang dilim ay nagpakita na ang buwan. Bakit ba nawaglit sa isipan ko ang bagay na yun?



Napangiti nalang ako habang nagalalakad papasok sa gubat. May mga liwanag naman dito dahil dito madalas magtambayan ang mga mag-jo-jowa pero dahil sa iba ang destinasyon ko ay kailangan ko ng ilaw dahil madilim ang parteng iyon ng gubat na pupuntahan ko. Ang dulong bahagi.



Ang sabi kasi nila ay nakakatakot daw doon ngunit iba ang nararamdaman ko ngayon. Excitement at hindi takot. Hindi ko alam kung bakit.


Habang naglalakad ay nadadaanan ko ang ilang magkasintahan. Naglalandian na naman. Sana all. Palibhasa Wala akong jowa since birth kaya inggit inggitan nalang ako sa kanila ngayon.

Masakit na ang paa ko nang marating ko ang dulong bahagi at Wala naman akong ibang nakita. Kun'di isang ilog na kumikinang sa sobrang dami ng pailaw. May mga naggagandahan ding mga bulaklak. Napamaang nalang ang bibig ko sa nakikita. Bawat lakad ko ay tumutunog ang mga patay na dahon at sanga. Nakakamangha ang lahat na nakikita ko at sa sobrang mangha ay hindi ko na namalayang isang malaking butas na pala ang matatapakan ko.




“Ahhhhhh!” I shouted. 




Sumasabay sa hangin ang galaw ko at sinusubukan ko pang ibalanse ang sarili para hindi ako tuluyang mahulog sa baba na masasaktan ako pero wala na akong magagawa dahil konti nalang ay babagsak na ako.


Isang magaspang na sahig ang kinabagsakan ko na naging dahilan upang masugatan ako ng sobra. Hindi narin ako naka-kilos pa ng maayos dahil sa lakas ng impact. Nasugatan ang likod ng ulo ko at ang aking braso at tuhod. Kumalat ang dugo ko sa buong paligid na kinabagsakan ko at sa hindi malamang kadahilanan ay bigla nalang akong lumutang at nagliwanag ang buong paligid. Ang dugo ko ay dumaloy sa bilog na sahig at namalayan ko nalang na Hindi na ako nag-iisa sa lugar na ito.



I saw pale people. Puting puti ang kanilang balat at maputla ang kanilang mga labi. Para silang uhaw na uhaw. Pulang-pula din ang kanilang mga mata katialad ng buwang nakita ko noon noong nagpakita ang mga Hybrid na sinasabi ni Sun.



Nanlaki na lamang ang mga mata ko at nabalot nang takot nang ilabas nila ang kanilang mga pangil. 


Bampira ... 


And I suddenly remembered my teacher’s words. 





“Mabubuhay silang muli sa pamamagitan ng dugo ng isang birhen.” 




Napapaligiran ako ng napakaraming bampira. Lahat sila ay nakatitig sa akin. Dala ng takot ay nahimatay ako, pero bago ako tuluyang nalamon ng kadiliman naramdaman ko ang pag-angat ko sa ire. 



“My life...” 




“Bampira!” sigaw ko at pabiglang napabangon.




Pawis na pawis ako at kinakapos ng hininga. Napasiksik na lamang ako sa gilid ng maliit kong kabinet at niyakap ang sarili sa sobrang takot na nararamdaman  ngayon.


The Virgin's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon