Chapter 5 Hybrids

311 17 0
                                    









Chapter 5




“Kapag sinabi kong takbo, tumakbo ka, Eliana!” utos sa akin nitong lalaking pilit akong pinoprotektahan sa sobrang daming nakapalibot sa amin na nakaitim na mga balabal.


Hindi ko rin makita ang mga itsura nila kahit sobrang liwanag pa ng buwan sa langit. May suot silang parang hoodie na hindi ko malaman kung ano. Mga makalumang tao yata ang mga ito,e.



“B-bakit? Sino ba sila?” tanong ko kahit nanginginig na ako sa takot habang sinasabayan ko ang bawat paghakbang paatras ng aking kasama.



Panay kasi ang lapit sa amin ng mga nakapalibot sa amin at naglilikha pa ang mga ito ng nakakabingi at nakakatakot na tunog. Para silang mga halimaw.


“Wag ka ng maraming tanong. Sumunod ka nalang,” may diing sabi nya at ginagaya akong tumakbo pero nanatili nalang akong poste na nasa isang tabi nang magsimulang sumugod ang mga nakapaligid sa amin.



Buong tapang naman na nilaban ng kasama ko ang mga ito. Sobrang liksi nya at halos hindi sya masaktan ng mga sumusubok na patamaan sya ng ilang sipa at suntok. May ilan syang binalian ng binti at braso habang sinisipa naman ang umaataki sa kanya mula sa likod.

Kung tutuusin ay hindi patas ang laban. Mag-isa lang sya at sobrang dami ng kakalabanin nya. Sabay sabay pa kung sumugod ang mga ito at sobrang kati na ng lalamunan ko na magtanong kung ano nga ba ang mga nilalang na ito. Kung saan nga ba sila galing? Anong gimik ito at bakit sa dinami-dami ng tao dito sa buong Zeidaz ay bakit kami ang napagtripan nila?

This is my first time watching this kind of scene. Seeing this creatures in front of me is so new to me. I'd never imagined being in this kind of situation. Alam kong mahilig ako sa mga adventure at mga bagay na puno ng thrill pero hindi ko naman akalaing ganitong thrill pala ang ipapakita sa akin.


Nakakatakot. Nakakatindig-balahibo. Sa sobrang takot nga ay hindi ko na nagawang kumilos pa. Pinanood ko lamang sila habang nag-lalaban. Gusto kong sumigaw upang makahingi ng tulong pero walang lumalabas sa bibig ko. Walang sumasaping lakas ng loob sa akin. Pawis lamang at panginginig sa mga nangyayari and naging ambag ko sa kaganapang ito.

Gusto ko nalang umuwi....



“Eli!”



Para akong nagising dahil sa pagtawag na iyon. Hinanap ng mga mata ko ang may-ari ng boses na yun at nandoon nga sya. Sa gitna ng labanan habang ala-lang nakatitig sa akin. Dahil sa sinag ng buwan ay nakita ko ang pagtaas ng kanyang kilay na animoy nagtatanong kung ano bang  ginagawa ko.



“Tumakbo kana palayo sa lugar na ito!” sigaw nya at pilit na pinipigilan ang kalaban nya.



Suntok dito. Suntok doon. Sipa dito at sipa doon. Ilang beses din syang napahiga sa kalsada at gumulong gulong dahil sa panay ang pag-check nya sa akin kung nakaalis na nga ba ako, kung sinunod ko nga ba talaga ang utos nya. Nahawakan sya ng isa sa mga kalaban sa kwelyo at pilit syang kumakawala pero bago pa nangyari yun ay tumalsik sya sa malayo at tumama doon sa puno.

Sa lakas ng impact ay nagawa nong maputol ang puno kung saan sya tumama.
Dumausdos sya pababa at napaubo.

Moonlight, tulungan mo sya!



“Takbo na, Eli! Save yourself and forget everything about what happened tonight!” he shouted again and stood up to fight back again and again and again.



The Virgin's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon