Malapit na tayo sa katapusan...
Chapter 23
"Nay..." sambit ko at nakagat ang labi.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko aakalaing makikita ko sya. Hindi ko na nga malaman kung saan ko ibabaling ng buo ang aking atensyon dahil bigla na lamang nablangko ang utak ko at ang tanging laman lang nito ay kung anong gagawin ko? Anong gagawin ko ngayong nasa harapan ko na sya mismo?
"Moonlight, anak ko...." ang lambing ng kanyang boses.
Gusto kong tumakbo palapit sa kanya. Gusto ko syang yakapin, gusto kong magsumbong, pero ayaw kumilos ng mga paa ko. Nadadala ako ng sariling damdamin na hindi dapat mangyari. Hindi pwede.
"Halika at lapitan mo ang iyong ina," muli nyang sambit ng may ngiti sa kanyang mga labi, nakadipa ang kanyang mga braso na tila ba welcome na welcome ako doon.
Nanghina ang aking tuhod. Lahat ng tapang ko kanina, nawala lahat. Hindi ko alam kung saan nagpunta. Nawawalan ako ng lakas.
"Hindi ka ba masayang makita ako?" tanong nya na may halong pighati sa kanyang boses.
Masaya ako, pero bakit masakit? Bakit nakakapanghina ang sayang 'to?
Nakita ko ang pagbabago ng kanyang emosyon. Nangilid ang kanyang luha at nawala ang kaninang matamis nyang ngiti. Ang kaninang paghikbi, ngayon ay hagulhol na.
Nais ko syang damayan pero bakit ako nag-aalinlangan? Dahil ba kasama sya sa mga kalaban?
"Anak...anak ko...."
Nakagat ko ng mas mariin ang aking labi. Hindi ko na kaya pa. Gustong gusto ko na syang lapitan, kaya mabilis kong tinawid ang pagitan naming dalawa at walang pasabing tinanggap ang naghihintay nyang yakap.
Doon ako tuluyang nanghina. Nahawakan ko na sya. Nayakap ko na ang aking ina, ngunit bakit masakit parin? Bakit masikip sa kalooban ko? Bakit ayaw kong tanggapin ng buo ang Elastice na kaharap ko? Para bang may humihila sa akin palayo sa kanya. Para bang sinasabi ng kabilang parte ng utak ko na dapat ko syang layuan.
"Eli!"
Napalingon ako sa tumawag sa aking pangalan. Nakita ko si Zei na tumatakbo palapit sa akin pero agad syang naharangan ni Freio.
(Pasingit lang nuh. HAHAH. So, Freio po pala yun hindi Ferzio. Namali ako sa pangalan nya sa chapter 22. Huhuee. Mianhe.)
Inis syang nakipaglaban doon kahit na may importante yata syang sasabihin sa akin, kaya panandalian muna akong bumitaw sa aking ina pero nagulat ako nang bigla nyang mas sikipan ang pagyakap sa akin, na halos kapusin na ako ng hininga.
"N-nay... H-hindi n-na p-po a-ako mak-ka--hinga..."
Pero imbes na luwagan ang yakap sa akin ay nagsalita na naman sya na nagpagulo sa akin.
"Patawarin mo ako kung iniwan kita noon, ngunit nandito na ako ngayon. Maaalagaan na kita ulit."
Maaalagaan ulit? Paano mangyayari yun? Paanong ulit? Eh, hindi naman ako naisilang katulad ng ibang bata?
BINABASA MO ANG
The Virgin's Blood
VampireMoonlight doesn't believe in Vampires. Panakot lamang ang mga ito sa mga batang matitigas ang ulo sa bayan nila. Walang bampira. Hindi sila totoo. Yun ang nakatatak sa utak nya pero lahat yun nagbago nang bigyan sya ng isang lumang hair clip ng kany...