Chapter 21 Family

136 4 0
                                    












Chapter 21







Totoo nga ang sinabi ni Mysticus sa akin. Bumalik nga ang ilan sa mga ala-ala ko matapos ko syang kagatin ng gabing yun. Mas lalo kong nakilala ang sarili.

Naintindihan ko na ngayon ang mga bagay bagay, hindi man lahat pero naiintindihan ko, ngunit ang lungkot at galit ay hindi ko maiwasang hindi maramdaman dahil sa pagbabalik ng mga ala-ala ko ay nalaman kong nagkamali ako sa kapatid kong si Sunlight.




Sobra pa sa sobra ang konsensyang nararamdaman ko ngayong alam ko na ang dahilan ng pagkawala nya. Ako ang dahilan kung bakit. Kasalanan ko, at ang kapal ng pagmumukha kong sisihin sya sa pangiiwan sa akin.






“Don't blame yourself, Eliana. Let's just start all over again,” kalmado nya lamang na wika na tila walang dinadalang galit sa akin.




Mas lalo kong nararamdaman ang konsensya, lungkot, hiya, at galit sa sarili ko.






“Ano man ang mga nangyari noong mga bata pa lamang tayo ay matagal ng tapos iyon,” dagdag pa nya.






Tumulo ang luha ko sa mga ngiting pinapakita nya sa akin. Paano? Paano nya nagagawang ngumiti sa akin ng sobrang totoo gayong ako mismo ang kumitil ng kanyang buhay.



He died. Kagaya ng pagkamatay ni Miss Leonora. F*ck my thirst! Dahil lang sa pesteng uhaw ko namatay sila. Kasalanan ko.





“I killed you,” kamuntikan na akong pumiyok matapos kong sabihin iyon.





Sobrang sikip sa dibdib. Masakit sa loob ko. Ngayon ko napagtantong wala akong karapatang magalit sa kanya. He has more rights to be angry.





“But I'm now back,” aniya pa at tinap ang ulo ko.





It suddenly bring so much memories. Kung paano nya ako inalagaan, kung paano sya nagsakripisyo para sa akin.





“Bitawan mo na ang nakaraan na iyon, Eliana. Ang mahalaga ay ang ngayon.”





“Patawarin mo ako,” sinsero kong sinabi.





Umiling sya. Mas lalong nangilid ang mga luha ko. Ngayong matagal ko na syang natitigan ay nakikita ko ang pagiging magkamukha naming dalawa.





“I died giving you more life, yun ang mahalaga sa akin.”






I don't know what did I do to have him. Isang kapatid na walang galit sa puso. Isang kapatid na walang katumbas ang pagmamahal sa akin.



Nang matapos kaming mag-usap ay muli kaming bumalik sa aming mga dapat gawin, ang mag-training. Mas lalo na kaming gumalong ngunit hindi parin sapat, may kulang parin, at kailangan pang mag-pursige upang magawa naming manalo sa labang balak naming simulan.





“Tanggalin nyo lahat ng takot sa puso nyo. Tapang ang itatak nyo kung gusto nyong maibalik sa inyo ang dating kulay ng bayan na ito!” Vamwol announced, full of determination.





Iyan ang isa sa pinakahinangaan ko sa kanya ang pagiging desidido nya. Ang pagiging matapang.



Nakatitig lamang kaming lahat sa kanya habang nagpapaalala sya sa mga dapat naming gawin. Si Theresa at Zei ang katuwang nya upang maging matagumoay ang training na ito. I wonder if where's Mysticus?



The Virgin's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon