Chapter 13
Akala ko hindi na ako magigising pa. Akala ko hindi ko na matutupad ang huling kahilingan nya. Akala ko hindi ko na matutupad ang nakatakda para sa akin. Akala ko huli na ang lahat para sa akin, ngynit nagkamali ako dahil nagawa ko paring masilayan ang liwanag ng araw, magagawa ko parin damhin ang malamig na hangin, naririnig ko parin ang huni at mahinang pag-awit ng mga ibon. Ang payapang tanawin ay nagagawa ko paring pagmasdan.
Itinaas ko ang aking mga kamay na tila ba ay hinahaplos ko ang langit. Natatakpan ng mga dahon ang ganda ng langit. May ilang ibon akong nakikitang lumilipad. Sa palagay ko ay nasa gitna ako ng kagubatan.
Teka... Kagubatan?
Napabalikwas ako ng bangon at sinuyod ng tingin ang buong paligid. Halos lumuwa na ang mga mata ko sa nakikita. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa Sincrest na nga ako. Nakapunta na ako dito noon bago ito naabanduna ng mga tao.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at iginala pa ang mga mata. Humakbang pa ako ng limang beses para masigurong nandito na nga ako sa Sincrest. I even slapped my myself just to assure that I am not dreaming.
Nakadama ako ng sakit kaya sigurado akong hindi ako nananaginip. Muli pa akong humakbang nang mapansin kong sobrang bigat ng aking suot. Bumaba ang aking tingin sa aking katawan.
Suot ko ang isang puti at may makikinang na bato na gown. Para akong attend ng kasal sa lagay kong ito. Habang suot ko ito ay para bang isa akong puro.
Isa akong malinis na tao ngunit ang totoo ay hindi. Isa rin akong makasalanan. Wala namang taong perpekto. May mga bagay lang talaga tayong nagawa na hindi ganoon kasama at over sa kasama.
Itinaas ko ang laylayan non upang hindi ako masyadong mahirapan sa paglalakad.
Puro puno ang mga nakikita ko. Mas malabong din ang mga dahon at mas maganda ang tubo ng mga bulaklak.Rinig na rinig ko ang huni ng mga ibon. Pakiramdam ko ay mas maganda ang kagubatang ito kahit na naabanduna na ito ng mga tao.
Nakakapagtaka lang at ang Light Forrest ang nasa panaginip ko gayong ang Sincrest naman ang tinutukoy ni Miss Leonora sa nasabi doon sa mga naalala ko bago sya nawala, bago ko sya nagawang kitilan ng buhay.
Dahil sa pagiging bampira ko. I'm starting to hate my blood. I don't want to be a vampire, or should I say I am also a hybrid. Dalawa ang dugong dumadaloy sa katawan ko. Ang dugong bampira at toxin healer and hybrids defines those creature that came from two different species, or breed.
Inshort katulad lang din nila ako ni Vamwol at hindi ko alam kung nasaan na ang isang yun. Hindi na sya nagpakita pa sa akin, at ang kaibigan ko. Nasaan na nga ba sya? Nag-aalala na ako ng sobra. Dalawang araw-- mali sa tingin ko ay tatlong araw na kaming hindi nagkikita. Sana ay nasa maayos syang kalagayan.
Nagpatuloy ako sa paglalakad sa gitna ng gubat na ito. I was busy trying to find and identify if where is the end of this Forrest. Yun ang destinasyon ko dahil yun ang nasa utos.
Paano ko nga ba malalaman yun? Kung wala naman akong dalang mapa at isa pa wala akong gabay. Dagdag pa sa pahirap itong suot kong gown. Maganda sana mabigat nga lang. Nakakatakot na tuloy makasal. Gusto ko pa naman ng bonggang gown. Mas bongga pa dito sa suot ko ngayon tapos hindi pala madali.
'Eli..."
Natigil ako sa pag-lalakad nang muli ko na namang marinig ang boses na yun. Huminto ako saglit at pilit na pinapakiramdaman ang paligid. Baka mamaya ay nandito lang sya at pinaglalaruan lang ako.
BINABASA MO ANG
The Virgin's Blood
Ma cà rồngMoonlight doesn't believe in Vampires. Panakot lamang ang mga ito sa mga batang matitigas ang ulo sa bayan nila. Walang bampira. Hindi sila totoo. Yun ang nakatatak sa utak nya pero lahat yun nagbago nang bigyan sya ng isang lumang hair clip ng kany...