Prologue

627 19 0
                                    







                             Prologue

          K E E P E R O F T R E A SU R E

                               MAWIE




“Do you believe in Vampires?” our teacher asked while walking infront of us.



Nakalagay sa likod ang kanyang kamay at pabalik balik lang na naglalakad doon sa harapan. Seryosong nakatingin sa bawat isa sa amin at humihinto iyon ng matagal sa akin.

Ito na naman sya...



“Do you believe in Vampires?” she asked again and started walking again.



Everyone laughed because of her question. Kahit ako ay bahagya ring natawa ngunit agad ding nagpigil nang titigan ako na naman nya ako ng mariin. Sa lahat ng estudyante nya ako talaga ang pinaka- nawewerdohan sa kanya.



“Did I told you to laugh?” she asked like I was the only one she's talking.



Napalunok nalang ako dahil don. She's really creepy. Hindi na nga ako minsan nakakapag-focus dahil sa kanya. She's acting weird when I'm around. Kaya umiiwas nalang ako. Nakakapanindig balahibo kasi sya. In short she's creepy, weird and scary.



“Vampires are real,” she said and continued walking again.



“How can you say so, Miss? Did you meet one?” Silica asked her..



That was a joke question but our teacher answered.



“Im one of them,” she said seriously.


Napaatras tuloy si Silica sa sinabi pero nagtawanan lamang ang ilan sa kanila.

See, she's really creepy.


“That was just a joke,” bawi nya ka-agad pero hindi naman sya tumawa.



“Vampires are real they are just sleeping, ” she continued.



Lihim akong natawa sa isip. Vampires aren't real. Kwentong bayan lamang iyon para matakot ang mga batang matitigas ang ulo. Ganoon ang  palaging kwento ng Lola ko sa akin, pero ang sabi ni Lolo ay hindi naman daw sila totoo.



“Sleeping saan, Miss?” parang batang tanong ni Amara.



Literal na bata talaga sya dahil sa tali ng kanyang buhok. Idagdag mo pa yung sandamakmak nyang hair clip sa buhok at head band. She looks cute tho.



“They are sleeping in the dark places and just waiting for blood.”




Nakikinig lamang ako sa aming Teacher at nakatitig, not until she meets my gaze again and smirked at me.

Napalunok nalang ako at nag-kunwaring hindi ako nakikinig sa kanya.



“They are in---” the bell rang that made her stopped from telling some stories.



Tuwang-tuwa namang nag-unahan sa paglabas ang ilan kong mga kaklase habang ako ay nagpaiwan nalang muna. Cleaners kasi ako. Mahirap tumakas dahil war freak ang President namin. Mahirap na at baka masabunutan pa ako.



“Moonlight, do you believe in Vampires?”




Napatalon ako sa gulat dahil sa biglang pagsulpot ni Miss sa gilid ko. Naka-upo sya sa isang upuan na sa tingin ko ay sya ang naghila ngunit wala naman akong narinig na tunog kanina.



“Kwentong bayan lamang po sila, Miss.”



Bata palang ako tinatak ko na sa utak ko ang bagay na iyon. Dahil kung totoo sila ay malamang sinalakay na nila kami. Malamang merong isang magpapakita, pero wala naman. So, they are not real. Kwento-kwento lang sila. Period!



“What if sila mismo ang magpakita sayo? Kwentong bayan parin ba sila para sayo?”



“Miss, kung totoo man sila, eh, di totoo. Kung hindi, eh, di hindi.”




“Totoo sila at sa pamamagitan ng isang birhen ay muli silang babangon sa kinahihimlayan.”



******



Natapos akong maglinis ng classroom mga alas-singko na ng hapon. Nauna na ang mga kaklase kong cleaners din kagaya ko dahil hindi naman sila ang may hawak ng susi kun'di ako. Kaya kailangan ko talagang magpa-iwan palagi kapag cleaners kami.

Ako ang nagla-lock kaya kawawa ako palagi. Nakakatakot pa naman dito kapag mga ganitong oras dahil nagpapatay-sindi ang ilaw. Wala pa kasing pondo para maisaayos nila. Ewan ko ba sa Mayor na yun at puro pangako lang yata ang isang yun tulad ng mga nauna sa kanya.

While walking I heard some weird noises anywhere. The lights are acting scary again. Patay-sindi na naman sya.




“Mamatay yata ako ng wala sa oras ngayon,” bulong ko sa sarili habang binibilisan ang paglalakad.



Yakap-yakap ko ng mahigpit ang aking sarili at ang kaninang lakad ay naging takbo na. Hinihingal akong bumababa sa hagdan. Muntikan pa akong matapilok mabuti nalang at sumabit sa railings iyong strap ng bag ko.

Ayaw ko na...


Ang swerte ko naman talaga at sa araw pa na ito muling nagloko ang mga ilaw. Para tuloy akong nasa horror movies na madalas naming mapanood ng mga pinsan ko. Hindi ko na talaga uulitin pang manood. Panay pa naman ang tawa ko doon sa mga maarteng babae doon sa palabas na grabe kung maka-iyak. Tapos hindi pala nakakatuwa kapag ikaw na talaga mismo ang nasa sitwasyon.



“Hindi ko na po uulitin ang kasalanan ko. Huhu..” taimtim na dasal ko hanggang sa tuluyan na nga akong natisod sa katangahan ko.



“Ah...aray..”



Napakapit ako sa noo ko na tumama sa semento. Ang sakit.



“Ayos kalang ba?” tanong nang kung sino.



Nilukob na naman ako ng takot. Nag-angat ako ng tingin at sa muntik na akong mapasigaw kung hindi lang nito tinakpan ang bibig ko.



“Oa ka masyado sa sigaw,” puna nito sa akin sabay bitaw.



“Nakakatakot naman kasi ang mukha mo.”



“Like duhh! Ang ganda ko kaya sa costume ko ngayon.”



Anong maganda sa puting bestida na maraming pinturang pula na nagmukhang dugo at mukha nyang sabog sabog pa.



“Anong maganda dyan?”



“Tss. Don't mind my costume na nga lang,” inalalayan nya akong tumayo.



“By the way pinatawag ka pala ni Miss Leonora.”



“Bakit daw?” taka kong tanong.




First time yata akong ipatawag ng weirdong adviser na yun, ah.




“Aba malay ko! Ako ba si Miss Leonora?”



Napangiwi nalang ako sa inasta nya. Sinamahan nya lang ako sa labas ng office ni Miss at umalis na. Iniwan talaga nya ako. Kahit na kabado ako sa pwedeng mangyari sa akin sa loob ay pikit-mata ko paring binuksan ang pinto at pumasok.



Nang gabing yun ay literal na nagsimulang magbago ang takbo ng buhay ko.

The Virgin's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon