Chapter 7 Future

279 13 0
                                    















Chapter 7



Tulala akong naglalakad habang hawak hawak ang hairclip na hindi ko alam kung paano naibalik sa akin. Sa pagkaka-alala ko kasi ay iniwan ko na ito sa kalsada noong gabing may kung anong mahika itong pinakita sa akin at hindi ko na binalikan pa. In short nakalimutan ko na sya.

Sino ba namang hindi makakalimot kung puro kababalaghan nalang lahat ng na-encounter mo these past few days.


“Sa tingin mo ba may sa demonyo yang hairclip na yan?” tanong ng kaibigan kong si Hiona na nakatitig din sa hawak ko habang may tangan-tangan na ice candy sa bibig nya.



“Hindi ko alam,” napatingin ako sa kanya “Kailangan ko ng kasagutan, Hiona.”




“Sa mga nangyayari sa akin sa nakaraang araw ay hindi ko na alam kung ano ba ang masasabi kong totoo at hindi,” nawawalan na ng pag-asang dagdag ko pa na para bang maiiyak nalang ako kahit anong oras.




“If you want answers, then let's find someone who knows everything about hairclips.”





“Sino naman yun?” taka kong tanong sa kanya.




Alam kong may mga babaeng mahilig sa hairclip sa school pero yung alam lahat ng tungkol sa hairclip ay wala akong kilala.



Sino naman ang taong kakabisaduhin lahat ng design ng hairclips or types of hairclips. Wala naman sigurong maglalaan ng oras para don. Isa pa ay si Amara lang naman ang kilala kong maraming hairclip na ginagamit sa buhok nya.



Teka! Si Amara, tama..





“Si Amara!” halos sabay pa naming sigaw at natawa nalang nagkatinginan sa isat-isa.





“Tara puntahan na natin sa kanila,” aniya at nauna pang tumakbo pero natigilan din nang tanungin ko sya.






“Alam mo ba kung taga saan yung babaitang yun?”





Akward syang napaatras pabalik sa tabi ko at napakamot sa kanyang ulo. Nailing nalang ako at sarkastikong natawa.





“Yun lang.”





Hindi kasi malapit sa amin ang babaeng yun. Noong birthday nya nga noong nakaraang taon ay imbitado kami pero hindi na nakapunta dahil naligaw kami. Wala din naman kaming cellphone kaya hindi na kami tumuloy pa. Naki-birthday nalang kami doon sa kapitbahay nila Hiona na nag-18 birthday.



Mabuti nalang din at sa kapit-bahay nila kami naki-birthday dahil sobrang daming Shanghai at ice cream. I'm sure walang shanghai sa birthday handaan ng mga mayayaman. Mayaman nga sila, eh, kaya malamang ay sosyal ang handa nila.





“Ano ng gagawin natin ngayon?” hopeless nyang tanong at tinapon sa nadaanang basurahan ang hawak nyang plastick ng ice candy na ngayon ay wala ng laman.





“Hindi ko alam. Siguro sa iba nalang tayo humingi ng tulong.” suhestyon ko naman at pinunasan ang sarili na tagaktak na sa  pawis dahil sa sobrang init na ng panahon.





“Subukan kaya natin kila Keeper?” taas kilay na ani Hiona na nagpupunas din ng kanyang sarili.




Kumpara sa akin ay mas basa sya sa pawis dahil pawisin talaga sya. Yung kamay nya nga ay nagsisilbing water bender sya. Sobrang basa. Kaya dati ay ako na ang nagsusulat ng sa papel nya para lang maka-uwi sya dahil kapag sya ay nabubura lang ang lapis sa papel. Naalala ko tuloy kung paano sa umiyak noon. Nakakamiss din pala sa Elementarya.





The Virgin's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon