Chapter 6
Malalim na ang gabi nang makauwi ako. Tulog na sila Lola at Lolo kaya hindi ko na nagawa pang ipakilala ang kasama ko. Tiyak akong malalagot ako sa kanila pag gising nila kinabukasan.
Sinara ko muli ang pintuan ng maliit naming bahay at muling hinarap ang kasama ko na hanggang ngayon ay misteryo parin sa akin ang pagkatao nya. Ilang oras na kaming magkasama pero hindi ko parin nalalaman pangalan nya. Ang dami ko pa namang tanong.
Una, kung bakit nya alam ang pangalan ko.
Pangalawa, sino sya at anong klaseng tao sya?
Pangatlo, bakit ang lakas nya?
Pang-apat at pinakahuli sa lahat, ano yung pwersa at liwanag na lumabas mula sa kanya?
Sa sobrang dami ay baka malunod na ako o kaya ay matabunan na kaya tumigil nalang ako sa pag-iisip. Kahit pangalan nalang nya ang malaman ko ay okay na. Ayaw ko rin naman ng mga masyadong madaming isipin.
"Tulog na sila Lola, e. Next time nalang kita ipapakilala if may next pa mang magaganap," I akwardly said, and scratch the top of my head.
He just nodded and was about to turned his back at me but I stopped him. Hinawakan ko ang braso nya, napatingin sya doon bago bumaling sa mukha ko.
He raised his eyebrow. Para akong napapasong binitawan sya. Ang sungit nya talaga kahit kailan. Malamang tatandang binata ang isang ito. Sayang naman ang lahi nya pag nagkataon.
"A-ano nga ba yung pangalan mo?" sinubukan kong tumawa sa tanong ko para lang hindi nya isiping naiilang ako sa kanya.
"Sun," tipid nyang sagot at tumalikod na naman ulit.
Masungit nga talaga sya. Hindi ko nalang sya sinubukan pang sundan o pigilan. Sa tingin ko ay hindi narin naman kami magkikita pa ulit. Pumasok nalang ulit ako sa bahay at sinara ang bintana at pintuan.
Kailangan kong matulog ng maaga. Kailangan kong ipahinga ang utak ko dahil napagod yata ito sa lahat ng nangyari sa akin ngayong araw, at ngayong gabi.
Hindi ko aakalaing ang mga nilalang na inakala kong panakot lamang ay totoo. Na totoo sila at nakasagupa ko pa at take note, gusto pa nila akong patayin. Mukha mang balewala lang sa akin ang nalaman ko ay hindi ko maiwasang mangamba. They are here to kill me and I don't know why.
Bakit gusto nila akong patayin? Wala naman akong naalalang may ginawa akong masama sa katulad nila.
Napapikit nalang ako ng mariin at napahilot sa sentido ko bago tuluyang umakyat sa kwarto ko. Sumilip din muna ako sa maliit na bintana ko kung saan kitang-kita ko ang maliwanag na buwan. Maliwanag ito at wala na ang animoy dugong nakabahid dito kanina nang atakehin kami ng mga Hybrids na yun.
Pogi din kaya sila? Ang gwa-gwapo kasi ng mga lalaking hybrids doon sa mga napapanood kong palabas, eh. Even the vampires and werewolves there are so damn handsome and effin' hot. Katulad ng lalaki kanina.
What's his name again? Sun? Yeah, Sun. Bagay sa kanya, because he's so hot! Like, yeah, he's hot but his not my type. I can't imagine myself liking him in a romantic way.
He saved me. Sinisi ko pa sya dahil akala ko nadamay lang ako tapos ako pala talaga ang kailangan ng hunghang na Hybrids na yun at malaking katanungan sa akin kung bakit?
BINABASA MO ANG
The Virgin's Blood
VampireMoonlight doesn't believe in Vampires. Panakot lamang ang mga ito sa mga batang matitigas ang ulo sa bayan nila. Walang bampira. Hindi sila totoo. Yun ang nakatatak sa utak nya pero lahat yun nagbago nang bigyan sya ng isang lumang hair clip ng kany...