Chapter 25
“Ayos ka lang ba, Eli?” tanong ni Zei at tinulungan akong bumangon.
Tumalsik kasi kaming lahat kanina matapos naming pakawalan ang matinding pwersang binigay namin sa Firsorer, tapos napunta ako sa dimension kung saan nandoon ang aking Ina, sa kabilang buhay.
Tumango ako sa tanong nya at agad na tumayo kahit na masakit ang aking mga hita matapos akong tumama sa malaking bato.
“Bilisan na natin, Eli. Nanghihina na ang halos karamihan sa atin at kapag natagalan pa lalo ang labanang ito ay baka matalo tayo at tuluyan na talagang malalamon ng kadilimang dala nila,” paalala sa akin ni Zei.
Nilingon ko si Sunlight na ngayon ko lang napagtantong may malaki pala syang sugat sa kanyang kanang braso. Punit na ang suot nyang itim na T-shirt at masaganang dumadaloy doon ang pulang-pula nyang dugo.
Pinikit ko ng mariin ang aking mga mata dahil meron akong ugali na hindi kayang pigilan ang sarili pagdating sa dugo, kahit anong dugo pa man yan.
“Magpagamot ka muna sa loob, Kuya. Si Patricia ang lapitan,” suggest ko pero inilingan nya kaagad.
“Hindi ko kayo iiwan dito,” aniya na may pinalidad na talaga.
Para bang pinapahayag nya mula sa kanyang tono na dapat ay huwag na namin syang pilitin pa.
“Pero, Kuya---”
“Kaya ko pa, Eliana. Daplis lang it---Ah!Aray!” daing nya bigla nang pisilin ni Ate ang kanyang brasong may sugat, “anong problema mo, Zeiana?” irita nitong tanong na bakas parin sa itsura ang sakit na dulot ng pisil ni Zei.
Agad na umirap si Zei sa naging tawag ni Sunlight sa kanya. Nakalimutan kong sabihin na isa silang dalawa sa nagiging rason kung bakit high blood ako.
“It's Zeiclipse not Zeiana!” bulyaw nya kay Sunlight, “and for the record lang, mas matanda ako sa inyong dalawa, you should respect me, you know?” nagkibit balikat sya.
“Psh. I am the eldes---”
“Hep!” tinakpan ni Zei ang bibig ni Sun.
Kuryoso namang napatingin sa kanya ang kapatid.
“You already died, so, ako na ang mas matand---”
“Baka nakakalimutan mong reincarnation ko na ito. Nabuhay ako ulit sa ibang mukha at katawan ngunit ako parin ’to. Ako parin si Sunlight ang panganay na ana--”
“Oh, you shut up, Sun! Ako ang panganay, tapos ang usapa---”
“You're the one who needs to shut u--”
At bago pa nila makalimutang nasa gitna kami ng laban ay pumagitna na ako sa kanilang dalawa at pinaglayo na sila. Maryosep! Pinagtatalunan pa kung sinong mas matanda, tapos kung umasta naman parang sampung taong gulang palang.
“Pwede tigilan nyo muna ang pag-aaway nyong dalawa? Continue nyo nalang kapag nabalik na natin sa dati ang bayan na 'to,” pangangaral ko at tinalikuran na sila.
Narinig ko pa ang sabay nilang pagtawag sa akin pero hindi na ako nag-abala pang lumingon.
Kakalbuhin ko talaga si Hiona sa ginawa nyang panghahawa sa mga kapatid ko.
BINABASA MO ANG
The Virgin's Blood
VampireMoonlight doesn't believe in Vampires. Panakot lamang ang mga ito sa mga batang matitigas ang ulo sa bayan nila. Walang bampira. Hindi sila totoo. Yun ang nakatatak sa utak nya pero lahat yun nagbago nang bigyan sya ng isang lumang hair clip ng kany...