Chapter 17
Matapos ang usapan naming dalawa ni Sun ay--- Oo nga pala. Vamwol na nga daw pala ang dapat kong itawag sa kanya, ngunit para sa akin ay mas bagay parin ang Sun sa kanya. Pakiramdam ko ay nagkakaroon ako ng koneksyon sa kanya kahit base lamang sa mga pangalan naming dalawa.
Malawak ang ngiti ko habang naglalakad pabalik sa tahanan ni Mysticus. Puti ang kulay ng pintura nito sa labas at nahahaluan ng itim. Dahil itim ang kulay ng bubong nito, pati ang bintana at mga pinto. Kahit ang railings ay itim din. Kasing laki na nga ito ng isang kastilyo, mas malaki pa sa Mansyon nila Su--Vamwol, ngunit mas maganda ang desinyo
ng Mansyon nila kaysa sa mala-kastilyong tahanan na kaharap ko ngayon.Halata kasing makaluma na ito samantalang ang kanila ni Vamwol ay modern. Siguro dahil makalumang tao na si Mysticus.
Napahagikhik ako sa sariling isipin at nahinto sa paglalakad. Napahawak pa ako sa bibig ko na parang siraulo.
Sa kanila kayang dalawa, sino kaya ang pinaka-gwapo at may pinakamaraming babaeng napaibig? Para sa akin pareho silang makisig, at gwapo ngunit alam kong sa paningin ng ibang tao ay may mas higit.
Siguro si Mysticus ang klase ng gwapo na wala pang nagiging nobya, si Vamwol naman iyong marami na dahil mukha syang lapitin talaga. Isa pa medyo maamo iyong mukha nya kaysa kay Mysticu---- Ano ba naman 'tong iniisip ko?!
Natigilan ako sa pag-iisip sa kanilang dalawa at natampal ang sarili. Bakit ko naman pinagkokompara ang dalawa? Pareho naman silang masama ang ugali!
Pareho din nilang niligtas ka, Moonlight!
Sabat ng isang bahagi ng utak ko. Muli akong napailing at nagmadaling makalapit sa kastilyo ni Mysticus ang kaso sa sobrang occupied ng utak ko kanina ay hindi ko na namalayang may tao pala sa harapan ko. Nabunggo ko ang bulto non.
Napahawak ako sa ulo ko dahil matigas ang dibdib nya. Grabe naman 'tong lalaking ’to. Ilang taon na ba syang natutulog at bakit ganito parin sya kalakas? Malamang matanda na sya.
“What took you so long?” he asked while his face is serious.
“Uh... Ano kasi... Kasi ano...” napakamot ako sa aking ulo. Nauutal na naman ako.
Naiilang akong nag-angat ng mga mata sa kanya. Seryoso parin ang tingin nya, walang emosyon ang mga mata, tikom ang bibig, bagsak iyong bangs nya na straight, natatakpan non ang kanyang kilay, medyo manipis lamang iyon, halos magkatulad lang sila ni Vamwol ng hairstyle ngunit medyo wavy iyong kay Vamwol at mas magulo, at may hati iyong bangs ni Vamwol samantalang ang kanya ay wala.
Ako nalang ang naunang magbaba ng tingin dahil naiilang ako sa mukha nya ngayon, isa pa nauuwi lang ako sa pagpuri at pag-puna sa mukha nya, baka kapag hindi ako umiwas ay patuloy lamang akong purihin sya.
“Pumasok na tayo sa loob,” biglang aniya at nauna ng tumalikod sa akin nang nakapamulsa.
Doon lamang ako nakahinga ng maluwag. Napakapa ako sa harapan ng dibdib ko. Kanina pa pala ako nawalan ng hininga. Mabuti at hindi pa ako nabawian ng buhay.
“Ayst!” irita kong sabi at umambang susuntukin sya pero agad ding naibaba ang kamay dahil lumingon sya.
“Bilisan mo,” mautoridad nyang utos at muling madaliang tumalikod.
BINABASA MO ANG
The Virgin's Blood
VampireMoonlight doesn't believe in Vampires. Panakot lamang ang mga ito sa mga batang matitigas ang ulo sa bayan nila. Walang bampira. Hindi sila totoo. Yun ang nakatatak sa utak nya pero lahat yun nagbago nang bigyan sya ng isang lumang hair clip ng kany...