Chapter 4
“Are you okay?” makailang beses na tanong nitong kasama ko ngayon.
Ilang beses narin akong hindi sumagot dahil hanggang ngayon ay naguguluhan parin ako. Takot ako sa dugo pero nagawa kong manabik kanina ng makita ko ang dugo ng lalaking ’to.
“A-ayos na ako,” nagkanda-utal pa ako sa pag-sagot sa kanya nang muli kong mahagip ang kanyang sugat sa tagiliran.
Naka-toples kasi sya at ang hirap umiwas kapag kinakausap na nya ako. Masasabi ko namang maganda ang hubog ng katawan nya, ngayon lang din naman ako nakakita ng hubad na katawan sa totoong buhay kaya baka iyon ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.
“I-iyong sugat mo? A-ayos na ba?”
Parang gusto kong sapakin ang sarili sa mga kinikilos ko ngayon. Bakit kasi kailangang ma-utal? At bakit kasi kailangang mag-hubad sa harapan ko?
Kahit naman kalahati lang ang nakikita ko ay babae parin naman ako. Isa akong maharot na babae na walang dilig, pero biro lang yun. Hindi lang talaga ako sanay na may nakikita akong hubad na katawan sa harapan ko lalo na kapag lalaki.
“I’m fine. It's just a scratch,” balewala nyang sagot at tinalikuran na ako.
Pumasok sya sa isang kwarto at malakas na ibinagsak ang pintuan. Mukhang bad trip yata ang isang iyon, at halatang ayaw nya rin na nadito ako. Halata naman sa kung paano nya ako pakitunguhan.
Hinayaan ko nalang sya at napagpasyahang maglibot-libot na lamang muna dahil mukhang maganda ang bahay nila. Sobrang lawak at ang laki tapos sya palang ang nakikita kong tao na nakatira dito.
Nasaan kaya ang mga kasama nya?
Mas matanda sya sa akin sa tingin ko kaya baka may sarili na syang pamilya. Like, asawa or anak, or maybe mistress.
Maraming painting na nakadikit sa mga wall ngunit wala man lang akong makitang kahit isang family picture, o picture man lang nya. Baka bagong lipat lang, at bakit ba napakadami kong tanong?
Napailing ako. Dapat ay hindi ako nagiging interesado sa kanya. Masama ’to. Hindi pwede.
Nagpatuloy ako sa paglilibot. Sobrang linis ng lugar. May mga flower vase akong nakikita pero walang masyadong bulaklak. Ang ilang vase naman ay patay na ang laman at nakalimutan yatang palitan. Kaya tinanggal ko iyon at nilinis.
Medyo mabigat nga lang dahil may kalakihan. Natakot akong baka mabasag ko at mukhang mamahalin pa naman ito, kaya naisip kong kumuha nalang ng tubig sa kusina nila na sobrang linis nang madatnan ko. Ang bango pa. Hindi amoy malansa tulad ng kusina namin na kapag nakalimutan malinis ni Lola ay nag-aamoy isda at dugo ng mga baboy. Kadiri minsan pero sobrang galing maglinis ni Lola.
Madami rin akong spices na nakikita. Ang gaganda pa ng lagayan. Kung nandito si Lola ay tiyak matutuwa yun.
May transparent na pitsel rin sa counter at tatlong upuan sa tabi ng counter. Bilog iyon at umiikot nang sinubukan kong upuan. Grabe! Ganito pala ang pakiramdam ng maging mayaman.
Pinadulas ko rin ang hintuturo ko sa edge ng counter at sobrang linis. Walang kahit anong bakas ng alikabok.
“Sya kaya ang naglinis?”
Pero mukhang malabo naman yun dahil ang alam ko sa mga lalaki hindi sila marunong maglinis. Lalo na ang mga spoiled jerks na mayayaman, hindi ko naman nilalahat pero halos karamihan.
BINABASA MO ANG
The Virgin's Blood
VampireMoonlight doesn't believe in Vampires. Panakot lamang ang mga ito sa mga batang matitigas ang ulo sa bayan nila. Walang bampira. Hindi sila totoo. Yun ang nakatatak sa utak nya pero lahat yun nagbago nang bigyan sya ng isang lumang hair clip ng kany...