Epilogue

192 11 4
                                    






Shockssss nakarating ako dito mga dzai! AHAHHAHAHA ikennat believe. Shockssss 💙 Kahit Ang sabaw ng kwentong ito, Ang tagal ng update, ang bagal ng usad, nakakalito, at nakakainis na ang story ay thank you sa lahat ng nagbabasa at magbabasa palang nito kung meron man. After kong tapusin ’to baka tigil muna ako sa pagsusulat. HAHAHA.








Epilogue





Bumalik nga kaming muli ni Viamrus sa lugar kung saan kasalukuyang nagaganap ang labanan. Pagdating ko doon ay dinumog nila ako ng tanong, agad ko namang isiniwalat sa kanila ang nasabing plano. Maraming umalma dahil baka hindi totoo ang mga sinasabi ni Viamrus, ngunit naniniwala ako sa mga binitawang salita sa akin ng aking Ina.



Yun ang panghahawakan ko at oras na biguin kami ulit ni Viamrus ay hindi ako magdadalawang isip na tapusin sya gamit ang sarili kong mga kamay, hanggang sa kabilang buhay ay susundan ko sya, masingil lang sya sa kanyang utang sa amin.



Saglit na natahimik ang magkabilang kampo dahil marami na naman ang nalagas sa kanila, sa kasamaang palad ay merong nawalang buhay sa amin, isa na doon si Danica, umiiyak ang batang si Kryztynn sa kanyang tabi habang hawak hawak ang malamig na nitong kamay.




“She died protecting Kryztynn,” bulong ni Vamwol na tila nababasa ang kung ano mang laman ng utak ko.



Meron pa akong nakitang umiiyak na sa tingin ko ay mag-ina. Nakahandusay sa lupa ang isang kulay berdeng lobo na onti-onti nang bumabalik sa dati nitong anyong tao.


Napatingala nalang ako. I failed again. I failed to save them. Wala sa sarili akong napasigaw at tumakbo muling palapit sa kinaroroonan ng Firsorer na ngayon ay nakangisi lang, narinig ko ang tangkang pagpigil sa akin ng mga kasamahan ko ngunit sa galit ko ay hindi ako nakinig.

Nagmistula akong bingi at sinugod ang Firsorer, ngunit kahit pala hukluban na sya ay sobrang lakas parin nya. Nasasalag nya lahat ng pagtatangka kong tamaan sya ng punyal na hawak ko. Gamit ang kanyang tungkod na simple lamang nyang pinapaikot-ikot sa ere at ginagamit na pansalag mula sa mga atake ko.

Sinubukan ko ring sipain ang binti nya ngunit ako lamang ang napuruhan. Mabilis sya kaya natapakan nya ang aking binti. Agad ko iyong hinila palayo at tumambling para makapunta sa likod nya.

Kompara sa bilis nya ay walang-wala ang akin. Hindi talaga para sa akin ang pagiging bampira, kaya napagpasyahan ko ng gamitin na ang pangalawa kong bala laban sa kanya.

Nilingon ko si Viamrus na diretso lamang nakatingin sa direksyon namin. Katulad ng ilan nilang kasamahan ay sa amin din sila nakatingin at tila walang sariling utak.


Ibig sabihin ay nagsasabi talaga ng totoo si Viamrus. Kinokontrol nga sila ng Firsorer, at dahil napunta sa akin ang buong atensyon ng Firsorer ay naisantabi ang pagkontrol nya sa mga itim na bampirang nandito.




“Masyadong mabagal!” paos na nitong sabi na halos katunog na ng mangkukulam na napanood ko noon sa isang horror movie.




Hindi kaya ay sya ang bida doon? Nag-disguised lang  sya as artista, pero imposible namang makarating sya ng America diba?




“Alam ko na ang lihim mo, Firsorer,” ngisi ko at buong lakas na hinawakan ang tungkod nya.




Nanlalaki ang mga mata nyang napapatingin sa akin nang mahawakan ko nga iyon at sinubukang agawin sa kanya.


The Virgin's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon