Chapter 3 Blood

383 23 0
                                    








Chapter 3




Nagising ako sa kung anong tinusok sa hintuturo ko ni Lola. Sa sobrang sakit non ay napadaing talaga ako ng sobra. May tumulo pang dugo doon sa daliri ko.


Nagtataka kong tiningnan si Lola na bakas ang pag-aalala sa mukha. Pati si Lolo ay naka-rehistro rin sa kanyang mukha ang pag-aalala dahil sa nangyari sa akin kanina.

Nangyari sa'kin kanina? Teka-- Ano bang nangyari sa akin?


Ang tanging naaalala ko lang ay ang tumatakbo ako palayo sa hairclip dahil... Dahil umilaw ito.


Sa sobrang taranta ko at takot ay kumaripas ako ng takbo palayo sa hairclip at hindi na ito binalikan pa. Malay ko ba naman kasing may kung anong mahika pala yung hairclip na yun. Kung alam ko lang, eh di sana hindi ko nalang yun tinanggap.




"Kumusta na ang pakiramdam mo, Eliana?" tanong ni Lola na naglapag ng isang basong mainit na tubig sa maliit at luma na naming mesa.



Konting sinipa ko nalang yata ay matutumba na sya. Bukas nga ay gagawa ako ng lamesa total marami namang putol na kahoy doon sa gubat. Ang dami kasing nagpuputol doon, ang nakakatuwa nga lang ay sa bawat punong pinuputol nila ay nagtatanim ulit sila ng panibago para hindi makalbo ang gubat. Isa-isa lang din ang pinuputol nila dahil natatakot silang baka maningil ang kalikasan. Grabe pa naman gumanti ang kalikasan kapag nasira na.




"Eliana Herian, nakikinig kaba?"




Napaayos ako ng upo sa sigaw at malakas na hampas ni Lola sa kawawa naming lamesa. Kaming tatlo ang napatitig sa hinampas nya at ilang segundo nga lang ang lumipas ay natumba na nga ito.



"Akalain mo nga namang sa edad kong ito ay nagagawa ko paring manira ng gamit," proud na puri ni Lola sa sarili.



Pareho kaming nagkatinginan ni Lolo sa isat-isa at sabay ding napangiwi.



"Hindi ba pwedeng marupok na talaga yung lames---"



"Manahimik ka Hermonio kung ayaw mong matikman muli ang pinakamalakas na sipa sa buong mundo!"



"Ito na nga mananahimik na," tiklop agad ni Lolo at nanahimik nalang.



Ilang taon na silang kasal ngunit makikita mong mahal na mahal parin nila ang isat-isa. Walang nagbabago at tila mas lumalalim pa nga yata habang tumatanda sila. Kahit na madalas silang magbangayan ay makikita mo paring ilang beses man silang mag-away walang maghihiwalay.



"Eliana, tigilan mo na iyang kakatitig sa akin at sagutin mo na ang tanong ko."



Tinatanong nga pala nya ako. Kung anu-ano na naman naiisip ko. Tinampal ko nalang ang sariling noo at bumuntong hininga. Kapag ba sinabi ko yun kay Lola ay maniniwala kaya sya?


Baka naman pagtawanan lang ako nito, pero naniniwala sya sa mga bampira kaya baka maniwala din sya tungkol sa hairclip na yun na may kung anong mahika yata.

Si Lolo yata ang unang taong tatawa kapag narinig nya ang kwento ko, pero bahala na. Kailangan ko itong mailabas sa kanila para matahimik narin ang loob ko. Ang hirap pa namang kumilos araw-araw ng may dala-dala ka. Mabigat man o hindi.

Maka-ilang beses din akong huminga ng malalim bago napagpasyahang magsalita na. Silang dalawa ay nakatingin lamang sa akin.



"La, sa tingin mo maniniwala ka sa nangyari sa akin kagabi?" panimula ko.



The Virgin's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon