Chapter 15
"Ahhhhhh!" malakas kong sigaw dahil sa gulat at kaba na nararamdaman ko ngayon.
Pinikit ko na lamang ang mga mata ko at hinayaan ang tadhana na mag-pasya para sa akin. Sumabay sa hangin ang aking katawan. Kasabay ng pagkahulog ko ay syang pilit na pag--abot ko sa kamay ni Althea na nakalahad para sa akin baka sakaling maabot pa nya ako.
May pag-aalala akong nakita sa kanyang mukha, wala na akong ibang nagawa kun'di ang mangilid na lamang ang mga luha. Habang naka-taas ang dalawang kamay na para bang inaabot ko sya. Tumatama sa akin ang liwanag ng buwan.
Nakakasilaw ang liwanag non na mismong tumama sa akin. Kaharap ko ang buwan, tila ba kinakausap ako nito, para bang sinasabi nya na lahat ay magiging maayos basta ba ay sumabay lamang ako sa agos.
Napapikit ako ng mariin. Ramdam na ramdam ko na malapit na akong mahulog. Malapit na malapit na. Hanggang sa tuluyan na nga talaga akong bumagsak ng pagkalakas-lakas sa isang magaspang na semento. Isang semento'ng nakalaan para talaga sa akin. Isang malakas at maliwanag na pwersa ang naramdaman ko nang dumampi sa likod ko ang semento.
Bumagsak ako doon at syang pagkatusok ng isang matulis na bagay sa akin. Napakapa ako sa aking tagiliran at nanginginig ang duguang kamay na inabot iyon upang tanggalin. Napadaing sa sobrang hapdi. Pakiramdam ko ay nabali lahat ng buto ko sa katawan.
Nang makuha ko na ang bagay na yun ay agad ko itong tinitigan ng mabuti.
"H-hairclip...." hirap kong sambit at bumagsak muli ang kamay sa aking tabi.
Nabitawan ko din ang hairclip at hindi ko na alam kung saan iyon napadpad. Basta tumalsik iyon sa kung saan at wala na akong paki-alam pa sa bagay na yun. Maglaibang-magkaiba ang panaginip ko sa reyalidad na ito. Mas masakit ang nararamdaman ko.
Mas dama ko ang hilo, ang hapdi, ang kaba, ang takot at ang pag-aalala dahil sa katotohanang nandito na ako. Ito ang nasa panaginip ko. Nagkatotoo na. Naganap na.
Masakit ang aking ulo, para itong binibiyak. Masakit din ang buo kong katawan, hinahati yata ito sa dalawa. Lahat may mahapdi. Ramdam na ramdam ko ang mga punit at hiwa sa aking balat. Nakasilip parin ang buwan, tumatapat sa akin ang kanyang liwanag.
Nagpabaling-baling ang ulo ko. Ramdam ko ang pagdaloy ng dugo ko sa kinahihigaaan ko ngayon. Gusto kong pigilan ang pag-agos nito, ngunit masyado akong nanghihina para mapigilan pa ito. Ilang segundo ang nagdaan at napaubo na lamang ako ng dugo. Lumalabo narin ang paningin ko.
Kahit na nanlalabo na ito ay may mga naaaninag akong isang imahe. Isang imahe ng matandang babae na may hawak-hawak na tungkod. Nakikita ko ang kanyang pag-ngisi. Ang paglabas ng ngipin nya habang humahalakhak at nakatitig sa akin. Malabo ngunit sigurado ako sa nakikita ko.
"Sa wakas matutupad narin ang matagal ko ng binabalak!" malademonyong halakhak nito at dinipa pa ang mga kamay na tila dinadama nya rin ang liwanag ng buwan.
Muli syang yumuko sa akin at hinawakan ang palapulsuhan ko. May kung ano syang kinuha doon sa bulsa ng laylayan ng suot nyang nakakadiring kasuotan. Mukha syang mangkukulam. Isang pangit na mangkukulam.
Malayong-malayo sa mga mangkukulam na napapanood ko. Witches are pretty in the movies I have watched but I think this is the reality that I need to face. Witches aren't beautiful, because they chose to be not.
BINABASA MO ANG
The Virgin's Blood
VampireMoonlight doesn't believe in Vampires. Panakot lamang ang mga ito sa mga batang matitigas ang ulo sa bayan nila. Walang bampira. Hindi sila totoo. Yun ang nakatatak sa utak nya pero lahat yun nagbago nang bigyan sya ng isang lumang hair clip ng kany...