Chapter 12 Identity

211 9 0
                                    

















Chapter 12




Muli akong nagising sa isang hindi pamilyar na silid. Isang beses akong napapikit bago ako nakapag-adjust sa liwanag ng ilaw dito. Isa iyong malaking bola na nakasabit sa ibabaw ng kisame. Para iyong tubig.



Napatingin ako sa gilid ko nang maramdaman ko ang bigat sa bandang kamay ko. Yun pala ay nakahawak sa akin si Patricia. Mahimbing ang kanyang tulog ngunit namumugto ang kanyang mga mata. Halatang galing  sya sa pag-iyak.


Anong nangyari? Hiniwalayan siguro ng boyfriend nya, o di kaya ay ni-reject ng crush. Kawawa naman sya kung sakali. Ang sakit pa namang ma-reject.



Ilang beses ko ng naranasan ang rejections. Nakakapanghina iyon dahil hindi ko malaman kung ano ba ang mali sa akin at bakit ayaw ng mga taong iyon sa akin? Halos ginawa ko naman ang lahat pero hindi parin nila ako magawang tanggapin. Even my own mom rejected me.


Ang sabi ko noon sa kanya huwag nya akong iiwan dahil lang sa may bago na sya, pero iniwan nya parin ako. She rejected my dream to be happy with her. That was the most hurtful rejection I have ever encountered. She is my mother but she can't love me just like how mothers love their children.


Nagalit ako sa kanya dahil iniwan nya kami. Natiis nya kami...ako. Natiis nya ang sarili nyang anak. My father begged. Lumuhod. Nagmakaawa para lang hindi nya iwanan. I saw the weakest part of my father before he died. Namatay syang malungkot dahil sa pagkawala ni Mama.


I sighed as I watched her sleeping. Ang layo na pala ng nararating ng isipin ko. Naalala ko na naman ang malungkot na nakaraan na yun.


Dahan-dahan ko na lamang na hinila ang kamay ko para mabitawan nya pero nagising lang  sya dahil sa ginawa ko. Nakokonsensya ko syang tiningnan.




“I'm sorry. Naistorbo ko yata ang tulog mo,” akward kong sabi at nag-peace sign pa sa kanya.




Kagaya ng una kaming magkita ay nakangiti parin sya. She's really pretty. Isa sa pinaka-gusto ko sa kanya ay ang buhok nya. Ang cool kasi dahil kumikinang iyon. Nainggit tuloy ako bigla sa buhok nya. Creatures like her are lucky. Nabiyayaan sila ng magandang wangis. Halos perpekto ang pinagkaiba lang kaming mga normal na tao malayang nakakalabas doon sa totoong mundo. Habang sila nagtatago dahil sa kalupitan ng mga tao.






“Ayos lang,” mahinhin parin ang kanyang boses.




Para syang isang babasaging plato. Dapat ingatan dahil kapag namali ka ng hawak o sa pagalagay ay maaari itong mabasag. Dapat alagaan ang mga tulad nila.





“Bakit nga pala mugto ang mga mata mo?” taka kong tanong.




Halatang halata kasi sa mukha nya. Mukha syang sabog na Healer pero maganda parin. Healer nga sya pero nagmukhang panda.


Peke syang ngumiti at umupo sa paanan ng kinahihigaan ko. Para syang nag-dadalawang isip kung sasabihin ba nya sa akin ang nasa isipan nya o kaya ay hindi nalang dahil hindi nya ako pinagkakatiwalaan, o kaya ay baka hindi ko rin sya paniwalaan. Alin lang sa pagpipilian na yan.




Humugot sya ng malalim na paghinga bago bumuka ang kanyang bibig. Nag-aalinlangan parin.




“Eli, nasa ikalabing walong taon mo na ngayon sa mundo. Kaya dapat ay malaman mo na ang buong katotohanan tungkol sa pagkatatao mo,” mahaba nyang turan na nagpukaw ng kuryosidad ko.





The Virgin's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon