Chapter 20
Sabog ako nang magpunta sa training ground namin, dahil hindi na ako nakatulog sa mga narinig at nalaman ko kagabi. Sobrang lusog ng eyebags ko at antok ang mga matang tinititigan si Theresa na abala sa pagtuturo sa ilan naming kasama.
She was holding a knife, just like the others. Sa tingin ko ay ituturo nya kung paano iyon gagamitin ng maayos. Sobrang bilis ng pag-ikot ng kutsilyo sa kamay nya habang nilalabanan ang ilang lalaki na halatang walang experience sa mga ganitong bagay.
Panay ang puri ni Hiona sa kanya habang nagpapalakpak sa tabi ko. Nasisiguro kong ganito din ang magiging reaksyon ko kung hindi lang ako binabagabag ng mga narinig ko kagabi. Hindi ko rin nakikita sina Mysticus at Vamwol, simula pa kanina nang makababa kami hanggang sa matapos kumain.
Vamwol was so cold towards me, si Mysticus naman nasobrahan na sa kalandian. Pakiramdam ko ay nakatadhana na talaga akong maipit sa kanilang dalawa. Napailing nalang ako at natampal ang sariling noo.
Dumagdag pa si Theresa. Hindi ko na alam. Ang dami kong tanong na naman. Parang ang dami ko pang hindi alam. Madami naman talaga. Sa bawat tanong na nasasagot palaging may tanong ulit na nadadagdag.
“Moonlight, it's your turn,” tawag sa akin ni Theresa, mukha naman syang walang alam na ako yung nandoon sa labas ng kwarto nya kagabi, o wala nga ba talaga?
Napapikit nalang ako ng mariin at labag sa loob kong tumayo at lumapit sa gitna kung saan nakapaikot lahat ng nagtetraining ngayon. Inabot sa akin ni Theresa ang kutsilyong hawak nya kaniba, agad ko namang tinanggap iyon. Ibig sabihin hindi sya ang magiging kalaban ko tulad ng mga nauna.
“Sunlight will be your rival,” aniya bago tumalikod.
Napalingon agad ako sa kinaroroonan ni Sunlight. Walang alinlangan syang tumayo at pumantay sa kinatatayuan ko.
I was just staring at him coldly. Hindi ko alam kung dahil lang ba ito sa kagustuhan kong malamangan sya sa paningin ni Zei o may mas higit pang dahilan. Hindi ko alam kung bakit masyado akong galit sa kanya.
“Ang unang lalabas sa bilog, talo,” dagdag ni Theresa at umalis na. Ganoon din ang mga nakabilog na tao kanina.
Nag-iwan nalang iyon ng marka. Mariin ang pinupukol kong titig kay Sunlight, ganoon rin sya. Hinigpitan ko ang hawak sa kutsilyo at naunang sumugod. Kung may lalabas man sa bilog ngayon ay nasisiguro kong hindi ako yun. Hinding hindi ako magpapatalo sa isang taong iniwan ako ng walang paalam.
Nang makalapit ako sa kanya ay agad nyang nasalag ng kanyang kutsilyo ang atake ko hanggang sa naging pabilis na ng pabilis ang bawat atake namin na pareho lang din naman naming nasasalag.
“Sa tingin mo ba ikakatuwa ko ang pagbabalik mo? Sa katawan ng isang mortal na tao?” galit kong tanong sa kanya.
He died. That's because he left! Iniwan nya ako!
“Masaya akong makita kang muli,” ngiti nya at umatras palayo sa akin.
Sa sobrang inis ko sa ngiti nya ay muli akong sumugod at binilisan ang atake. Bawat pag-subok kong saksakin sya sa alin mang bahagi ng katawan nya ay nasasalag nya iyon. Panay lang ang pagsalag at halos ako nalang palagi ang umaatake.
Alam kong hindi dapat namin saktan ang isat-isa, kailangan lang naming maipalabas ang isat-isa sa bilog at determinado akong hindi ako ang lalabas doon.
BINABASA MO ANG
The Virgin's Blood
VampireMoonlight doesn't believe in Vampires. Panakot lamang ang mga ito sa mga batang matitigas ang ulo sa bayan nila. Walang bampira. Hindi sila totoo. Yun ang nakatatak sa utak nya pero lahat yun nagbago nang bigyan sya ng isang lumang hair clip ng kany...